sinurat   akda 

 » DANIW : POETRY

 » SARITA : KUWENTO

 » SALAYSAY : SANAYSAY

 » KDPY : ATBP

 »
URNONG : KALIPUNAN

 »
MANNURAT : MAY-AKDA

 »
GUMIL



«home»
«notes/updates»
«downloads»
«guestbook»
«ilokano forum»
«ilokano links»
« tula : roy v. aragon »

ANG HINDI MO MASABI

hindi mo eksaktong masasabi
sa akin kung bakit ang mga halinghing
ay hindi gawa sa kahoy o bakal ngunit sa papel,
kung bakit ang mga halik ay gawa sa tubig at hindi
sa hangin.

hindi mo masabi
kung paanong tumatarak
sa balat
ang ilang balaraw
o kung paanong ang mga sugat
        sa lamat
ay naghihilom.
hindi mo mabigkas
        ang utal
ng isang kabiguan
o ang usal
ng isang tagumpay.
hindi mo masabi
ang kahulugan
        at dulog
ng mga nababaling
lapis o kaya'y ang ipinapahiwatig
        at pintig
ng mga tumutulong gripo.

hindi mo matapat na mabibilang kung ilang beses na dapat
dumatal ang ating mga pagsikat ng buwan,
o kung ilang paraan dapat na ubusin natin ang ating mga umaga.
ni hindi mo masabi sa akin
ang tungkol
        sa usapan
ng mga bulaklak sa araw
at sa usapin
ng araw sa mga bulaklak.
ang masasabi mo lang sa akin
ay kung bakit ang mga hardin ay luntian
at ang luntian ay may hardin
o kung bakit ang mga gabi ay itim
        at ang itim ay may gabi,
at kung bakit ang ating balat ay kayumanggi
        at ang kayumanggi ay may balat,
at kung bakit ang ating laman ay pula
at ang pula ay may laman.

» daniw : tula : poetry
 
1