~*MGA SALAWIKAIN, ATBP.*~
Narito ang ilang mga piling salawikain,
awiting bayan, tula, at iba pa:
Ang di lumingon sa
pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
Madali ang maging tao,
mahirap magpakatao.
Aanhin pa ang damo kung
patay na ang kabayo?
Pagkahaba-haba man ng
prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Bagong hari, bagong
ugali.
Buntot niya, hila niya.
Sungay niya, dala niya.
Huli man at magaling ay
naihahabol din.
Iba na ang dating
kilala sa bagong kikilalanin pa.
Kapalaran ko, di ko man
hanapin, dudulog at lalapit kung talagang akin.
Kung ano ang puno ay
siyang bunga.
Kung saan nadapa, doon
magbangon.
Kung hindi ukol, di
bubukol.
Magbiro ka sa lasing,
huwag sa bagong gising.
Ang pagsasabi ng tapat
ay pagsasamang maluwat.
Kapipili, natapat sa
bungi.
Pag may itinanim, may
aanihin.
Matalino man ang
matsing ay napaglalalangan din.
May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
Naghangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.
Ang tumatanggi sa
grasya, lumalabo ang mata.
Walang mahirap gisingin
na tulad ng nagtutulugtulugan.
Walang matimtimang
birhen sa matiyagang manalangin.
Ang taong nagigipit, sa
patalim man ay kumakapit.
Pulutin ang mabuti, ang
masama ay iwaksi.
Pagkasarapsarap man ng
adobo at lechon, nakakasawa rin kung iyon ng iyon.
Makikilala mo ang taong
may bait, sa kilos ng kamay at buka ng bibig.
Kung maigsi ang kumot,
magtiis mamaluktot.
Ang bulsa ng mayaman,
parating kulang.
Ang maniwala sa sabi,
walang bait sa sarili.
Sakit ng kalingkingan,
damdam ng buong katawan.
Mabuti pa ang kubo kung
ang laman ay tao, kaysa bahay na bato na ang laman ay kuwago.
Pag may tiyaga, may
nilaga.
  
Santo Nino sa Pandacan,
puto seko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang,
uubusin ka ng langgam.
Penpen di sarapen, di
kutsilyo di almasen
Hawhaw di karabaw batuten
Sayang pula, tatlong pera,
sayang puti, tatlong salapi
Ginto't pilak namumulaklak
sa tabi ng dagat.
 
Ale, aleng namamayong
pakisukob yaring sanggol
Pagdating sa Malabon,
ipagpalit ng bagoong.
Ale, aleng namamayong,
pakisukob yaring bata
Pagdating sa Malabon,
ipagpalit ng kutchinta.
Ako'y ibigin mo lalaking
matapang
Ang baril ko'y pito, ang
sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y parte
ng dinulang
Isang pinggang pansit ang
aking kalaban.
 
Kami po ay panglaban, sa
kape at tinapay
Eng-eng, pot-pot,
sampuradong malapot.
 
|