GINEBRA ANG HARI
5th Meeting and Make-up Climb, Mt Romelo, Famy Laguna, May 16-17, 1998by Long Henson
(Ang mga kaganapan ay halaw sa totoong buhay. Ang mga pangalan ng tao at lugar ay halaw sa mga tunay na taong nagsiganap at lugar na pinag-gampanan)
Dear Kuya Long. Paki-tago nyo na lang ako sa pangalang Sergio. Tandang-tanda ko pa ang mga pangyayari. Unang kawan na lumisan ay ang grupong "eat and drink all you can" patungong Sta. Cruz Laguna noong biyernes ng gabi ika-labing lima ng Mayo, upang salantahin ang piging ng kapistahan ng nasabing bayan na hinandog ni makatang Diobert. Ang kawan ay kinabibilangan nina Dioan, Kwini, Nini, Gerli, Boki, Roy, Ting, Mon at ang lumang si Bob. Ang nasabing kawan ay tumungong Famy kinabukasan ng umaga pagkatapos dumaan sa pamilihan upang, ano pa kundi bumili ng makakain ng samahan.
And pangalawang kawan ay nagmula sa bayan ng Taytay, sa bahay ng may akda matapos ang isang araw ng pag aayos ng mga gamit sa pag "rapel". Ngunit dahil iisa ang dugo, and ikalawang kawan ay nag-iinuman din ng gabing ang unang kawan ay nalulunod din sa inumin ng kapistahan. Matapos dumaan sa pamilihan ng Siniloan, and ikalawang kawan na kinabibilangan nina Dyun, Edwin, Marcos (na humabol sa pamilihan ng Siniloan) at ang may-akda ay tumungo na rin ng Famy sa may tuldok na tinatalungan o "jump-off point".
Sa unang pagkakataon binigyan ng gampanin ang mga aplikante ngunit hindi na rin naging mahigpit ang pinuno sa pagpapatupad ng mga alituntunin dahil ang akyat na ito ay isang nakakatawang akyat (fun climb).
At sila nga ay lumisan tungong kampo. Bagamat nahirapan sa paghahanap ng mapagtitirikan ng tolda, naging isang natatagong grasya o "blessing in disguise" ang kanilang napili dahil sa lapit nito sa mga mahahalagang lugar sa kampo gaya ng tubig, kubeta, tindahan, katahimikan at diakusi.
Pagkatapos ng isang napakasarap na tanghaliang sugpo at lapulapu, nagsimula na silang maghanda upang tunguhin ang nakatagong talon na Sampalok. Nang mga oras ding ito dumating si Erwin.
(SA PARTENG ITO, PATNUBAY NG MAGULANG AY KINAKAILANGAN)
Ika dalawa ng hapon nang magsimula silang lumisan upang maarok ang naguumapaw na lawa at talon ng Sampalok. Nagulat ang samahan sa tanawing sumambulat sa kanila habang tinatahak ang pusod ni Sampalok. Halos tumulo ang kanilang mga laway sa kagandahang nakita. Napakahirap maabot ang paraiso sa lupa na nangailangan pang sumisid sa mga bahaging malalalim tungo sa napakagandang hiyas ng Laguna. Hindi maikakailang marami na sa samahan ang dalubhasa sa pagsisid. Pagdating sa madulas na bahagi ng daan na pinangalanang "Batya-batya", lalu pang nahirapan ang grupo upang akyatin ang kalangitan sa lupa. Habang nahirapan silang sisirin ang balon, marami sa kanila ang nakainom ng katas ng naguumapaw na lawa. Dalawa ang muntikan nang mapabilang sa listahan ng mga namatay sa sarap- si Dioan na nahulog habang ginagapang ang talon at si Ting na natangay ng agos ng lawa. Buti na lang at nahawakan ni Nini si Ting sa may parteng mahaba at mabuhok upang maiwasan pumaimbulog sa lawa. "Huwag diyan, masakit" and sabi ni Ting.
Ilang minuto pa nilang tinahak ang daan tungo sa rurok ng tagumpay. Labas pasok nilang inusad ang kanilang mga katawan sa kalagitnaan ng mayayaman na bundok at gubat ni Famy. Malapit na ba ? Tanong ng isa, Malapit na, sige ituloy mo, konti pa. Ayan na, ayan na, ayan na. At sabay sabay nilang nakamit ang rurok ng tagumpay. Nasulyapan na rin nila ang isang piraso ng langit dito sa lupa. Halos lumupaypay ang kanilang mga katawan sa pagod na niranas sa pag-arok ng natatagong hiyas. Talaga nga namang nakakapagod makipag- talik sa kalikasan.
(PWEDE NANG PAALISIN ANG MAGULANG)
Nang silay pauwi na, nahati ang grupo sa mga gustong mag-explo ng bagong daan (tamad for short) at ang mga gustong bumalik sa dating daan (dahil naiwan nila ang rope sa dating daan t* for short). Naghikayat si Dyun na sumapi ang mga myembro sa bagong daan samantalang iisa lang ang sumapi sa dating daan. "Where my leader goes, I go"ang sabi ng nasabing aplikante. At di naglaon, si Dyun ay nagmistulang isang bulaang propeta dahil mas malayo pala ang bagong daan (bagamat madali).
Pagkatapos ng hapunan, nagsimula na ang "socials"o inuman sa Tagalog (hehe). Dumatin din ng gabing yaon sina Bong, Ton at Jun. Muling pinatunayan ng samahan ang kanilang kagilagilalas na talento sa paginom dahil labing anim na bote ng Ginebra at isang malaking Gilbeys ang kanilang pinataob bagamat tumaob din ang ilan sa kanila. Si Dioan ay nagmistulang sombi. Kung saan siya kumain doon din siya uminom at doon din siya natulog at doon din siya sumuka. Kitang kita kinabukasan ang mga sangkap ng kanyang kinain na nagkalat sa paligid. Ang MMS ay nag-ala M*S*U noong gabing yaon sa ingay na napigilan lamang ng patayin ng isa ang ilaw. Kinaumagahan parang gyera at nagkalat ang katawan sa paligid. May mga pangyayari din na naganap na kinasasangkutan ng may-akda na minabuti nang wag ilagay dito para masigurado ang kanyang kaligtasan.
Sa katamaran, lima na lamang ang tumungo sa Lansones Falls kinabukasan. Si Diobert ay dumating ng mga oras din yaon.
Nagsimula ang "rappelling" ng ika sampu ng tanghali at natapos makalampas ala-una. Nakita ang katahimikan ng mga takot tumalon ngunit ang iba ay nasarapan pagkatapos ng unang karanasan. Marami ding ibang samahan ang sumali sa rappelling. Pagkatapos ng nasabing gawain, sila ay nagtanghalian at nag-ayos sa pag-alis.
Marami ang namangha dahil nagdala ang samahan ng maraming basura pababa. Ilang myembro ang nasangkot sa maliit na gulo habang naliligo dahil gaya ng kasabihan, ang mga manyak ay galit sa kapwa manyak (biro lang). Matapos maligo, sila any sumakay sa isang paupahang dyip na kinuha ng may-akda sa Siniloan. Mga pasado alas syete na ng sila ay nakarating sa SM Mega-mall kung saan sila kumain ngunit wala na nag may-akda dito upang magbigay pa ng salaysay.