Dear DR. Holmes:
Totoo bang epektibong birth control method ang cortal?
ALISYA
Dear ALISYA:Walang katotohanan na makakaiwas sa pagbubuntis ang pag-inom ng cortal. Kung ayaw mong mabuntis, either huwag ka munang magtalik o sabihin mo sa iyong asawa/boyfriend na gumamit siya ng condom o uminom ka ng birth control pills (at ibasa at isunod ang mga direksiyon nito) o gumamit ng ibang paraang epektibo na matuturuan sa inyo ng family planning clinic.
Huwag na huwag ka sanang umasa na sapat ang cortal para hindi ka mabuntis. May kasabihan nga na ang only way na makaktulong ang cortal ay di sa pag-inom nito pero sa paglagay nito between your legs, pero napaka-creative ngayon ng mga kasintahan na hindi ako sigurado na kahit ito ay sapat para hindi ka mabuntis.
All the best!
MG HOLMES
Dear DR. HOLMES:Kailangan ba mag-come out sa parents, kaibigan at sa lahat ng tao sa madla?
GENER
Dear GENER:Unang-una ipaliwanag muna natin ano ang ibig sabihin ng come-out sapagkat hindi masyadong kilala ang mga salitang ito sa pangkaraniwang tao.
Ang ibig sabihin ng “come-out” ay isabi/ipalaman sa tao na ikaw ay bakla. Kung nag come out ka na, hindi ka na kailangang magkunwari na na se-seksihan ka kay Rosanna Roces o Stella Ruiz. Puwede kang magandahan, ma-cute-an o matuwa sa kanila (sapagkat maganda, cute at nakakatuwa naman talaga sila) pero hindi ka na kailangang sumang-ayon sa mga sinasabi ng barkada mo kung sabihin nila: “Pare, hanep talaga si Osang! Pare, nakakalibog talaga si Stella!”
Sila, puwedeng ma seksihan kay Rosanna, Stella atbp. kasi hindi sila bakla, at okay lang iyon. Hindi mas mabuti o masbagay sa lalaki, okay lang.
Ikaw naman, hindi na-se-seksihan kina Rossana at Stella kasi bakla ka,..at okay na okay rin yon. Hindi mas mabuti o mas masama, hindi mas bagay o di mas bagay. Okay na okay lang, kasi iba-iba tayong tao at iba-iba ang ating sexual orientation (ano ang nagpapaseksi at nakaka-arouse sa atin no hindi!). Walang tama o mali, iba lamang.
Ngayon. Minsan alam mo ito at ayaw mo munang ipalaman sa iba kasi ito ay very private matter at di mo kailangang ipalaman sa kahit sinumang ayaw mong ipalaman ito kasi ikaw ang boss ng sarili mong buhay. Minsan naman gigil na gigil kang ipalaman sa buong madla. Ikaw ang nakaka-alam sa buhay mo sa ikaw ang kailangang magpasiya sa lahat ng kilos at desisyon rito.
Kapagt dine-sisyonan mo nang isabi sa ibang tao, dine-sisyonan mo nang mag-come-out. Ito ay hindi either-or thing. Hindi ito situwasyon na: either kiming-kimi ka tungkol sa tunay na hilig mo o bonggang-bonnga ka tungkol sa pagiging bakla mo. Maraming mapapagpiliang desisyon. Puwedng mag-come out ka muna saiyong mga kapatid, pero hindi sa iyong mga kaibigan o magulang. Puwede ka ring mag-come-out sa iyong mga kaibigan pero hindi sa iyong pamilya. O mag come-out sa lahat pero huwag lang sa trabaho mo kasi nag-aalangan ka na baka ka mapa-alis sa trabaho o pahirapan kung malaman ng mga supervios mo na bakla ka.
Hindi ito tama, na ipalayas ka sa trabaho dahil hindi sila sang-ayon sa sexual orientation (pagiging bakla) mo. Pero ganito ang mundo kung minsan. Kung kailangan na kailangan mo ang iyong trabaho at mahihirapan kang maghanap ng iba kung ipalayas ka rito, siguro mas maigi na hindi ka muna mag come-out sa trabaho mo. Kung okay naman sa iyo na mawalan ka ng trabao rito kasi madali lang sa iyo makahanap ng iba, o mayaman si Papa, o dili kaya hindi mo talaga masikmura na magtrabaho para sa mga taong napakakitid ang isip, de okay lang na mag come-out ka at bahala na anong mangyari.
Kahit anuman ang desisyon mo, ang importante ay *ikaw* (at di ibang tao o isang pilosopiya) ang nagpasiya sa buhay mo.
Walang makakasabi sa iyo ano ang dapat mong gawin kasi unang-una, hindi nila alam ang buong situwasyon ng buhay mo;. Ikalawa, kahit alam nila, hindi naman sila ang ang mabubuntungan na anumang hirap, galit, bintang, iyak, tukso, ikaw lang. Puwede silang makinig sa sama ng loob mo, at magsikap magpalimot sa problema mo, pero, in the final analysis, labat tayo ay nag-iisa, kaya kailangang isipin mong maigi ano ang gusto mo talagang mangyari sa buhay mo, at kung ang pag-co-come-out ay makakatulong, makakasira sa mga paqngarap mo sa buhay.
Tandaan mo lang sana, GENER, na ang pag-co-come out ay isa lamang “means to an end.(pamamaraan na makuha ang iyong mga pangarap sa buhay) at hindi ang pangarap mismo. Ang tunay na pangarap mo, siguro, ay mamuhay nang maginhawa at maayos, na walang sinasaktan at maraming matutulungan, at may minamahal at nagmamahal sa buhay.
Lahat tayo ay may iba’t ibang pangangailangan at paraan para matupad natin ang mga pangarap natin sa buhay. Ang situwasyon at pilosopiya mo sa buhay ang mag de-determine kung mas maigi para sa iyong mag-come-out o hindi mag-come-out. Walang ibang makakasabi sa iyo ano ang mas maigi mong gawin.
All things being equal, mas maiging mag come-out kasi mas maiging mamuhay na walang pagkukunawari. Pero kung mag co-come-out ka o hindi ay depende di lamang sa iyong gusto i ayaw, pero sa maraming iba’t ibang bagay pa. Inaasahan ko, GENER, na kahit anumang ipag-desisyon mo sa buhay mo, ay masisiyahan ka sa pinasiya mo.
All the best!
MG Holmes
(BodyMind Vol. 2 No. 20 - First posted: 10-12-98)