KANLUNGAN (Buklod) Send by: red Adapted by http://come.to/animesl ~animoni~ ( Song from the Commercial: Mc Donald ) =================================================== Refrain: Pana-panahong ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon… Natatandaan mo pa ba Nang tayong dalwa’y unang magkita Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayo nagsimulang Mangarap at tumula Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela Magkahawak kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon Ang mga puno’t halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan (Ref.) Ngayon ikaw ay nagbalik Tulad ko rin ang ‘yong pananabik Makita ang dating kanlungan Tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno’t halaman Bakit kailangan g lumisan (Ref.)