|
KABANATŔ I
Sa simulâ pa nang máitayô ang Mababang Páaralán ng Maplugo-Thamar ay taún-taón nang nagdaraos ng pagpupulong ang mga gurň at mga magulang. Sa mga pagpupulong na itó tinatalakay ang mga paksáng máyroóng malakíng kinalaman sa ikatututo ng mga mag-aarál. Dito’y maaari ring maglahád ng mga hinaíng ang mga magulang, mga mungkahi kung papaanong higít na mapabubuti ang kasalukuyang pamamaraán ng pagsasalin ng kaalamán ng mga gurň sa mga mag-aarál, at minsan pa ngâ’y itóng mga pagpupulong na itó ang nagiging daán upang makapamakiusap ang iláng magulang na may mga anák na, sabihin na nating may kabagalan ang pag-iisip, na kung maaari’y pakibigyán itó ng “espesyál na atensiyón.”
Sa isá sa mga pagpupulong na itó sa Mababang Páaralán ng Maplugo-Thamar, noong taunang pang-eskuwela 19— hanggáng 20—, sa silíd ng mga tagá-unang baitáng, makikitang umíiyák sa isáng sulók ang isáng muntíng batang babae. Siyá’y naká-uniporme, kayá’t hindî masasabing hindî siyá kabilang sa mga mag-aarál na nasa silíd, subalit kung ang kanyáng mga kamág-arál ay máyroóng magulang, o mga magulang, na kasama (sapagkát iláng sandalî na lamang ay sísimulán na ang pulong), ang muntíng batang itó ay walâ.
Nang una’y waláng makápuná sa kanyá. Ang lahát ay, kung silá’y magulang, abalá sa pagtugón sa pangangailangan ng kaniláng anák, at kung anák namá’y abalá sa pagtanggáp sa paglingap ng mapág-arugáng magulang. Ngunit habang tumátagál, ang paghikbî ng kaawŕ-awang batŕ ay lumálakás, at isáng iná ang nakápansín sa kanyá.
“Batŕ,” ang bulóng nitó sa sarili. “May batang umíiyák sa sulok,” kanyáng sinabi sa kanyáng mga kasama. “Tingnán ninyó.”
Nápalingón ang lahát. Habág ang nábakás sa kaniláng mga mukhâ.
“Anó ang ginágawâ mo diyán, batŕ?” ang tanóng ng isáng amá.
Nahirapan ang batŕ na mábigyán ng kaságutan ang tanóng na itó dahil sa kanyáng mga hikbî. Gayunmá’y hindî niyá itó hinayaang tuluyang pumigil sa pagpupunán sa kawaláng-kaalaman ng pobreng mamŕ. “Umí… umí… umí…”
Ang asawa ng amáng nagtanóng ay walâ ng nagawâ xî ang itó’y titigan ng may kahulugáng titig, at kung hindî iskándaló ang idudulot nitó, malamáng ay tinuktukán itó sa ulo dahil sa pagtatanóng ng isáng bagay na ang kasagutan ay malinaw na malinaw at kitang-kita na.
“Ngunit bakit ka umíiyák?” ang tanóng ng isá pang magulang.
“Hindî… hindî… n’yo ba nakí… kita? Walâ pa… walâ pa ang…”
“Walâ pa ang kanyáng magulang,” tumulong ang isáng batŕ sa pagkumpleto ng hindî matapos-tapos na pangungusap.
“Oo ngâ,” ang pagsang-ayon ng karamihan.
“Kaawŕ-awang batŕ,” ang buóng habág na wikŕ ng ilán.
“Ngunit baká náhulí lamang silá ng sandalî. Waláng dapat ikabahala. Dáratíng ang iyóng mga magulang bago dumatíng ang takdáng oras ng pagsisimulâ nitóng pulong.”
“Ang aking iná…” ang hikbî ng batŕ. “Ang aking iná ang aking hiníhintáy. Ang aking iná lamang.”
“Kung gayó’y tumahán ka na. Nais mo bang datnán ka niyá sa ganyáng kalagayan?”
Ipinahid ng batŕ ang kanyáng mukhâ sa manggás ng kanyáng barň. Tumayô siyá. Sa kabilâ ng pagkahabág sa sarili na kanyáng nadáramá dahil sa walâ ang kanyáng iná, na dapat ay makíkipag-usap sa kanyáng gurň sa araw na itó sa kanyáng kapakanán, naunawaan ng batŕ na hindî kalúlugdán ng kanyáng iná ang mádatnán siyá sa ganoóng kalagayan. Pilit niyáng ginupň ang pagluhŕ, at sinikap na ayusin ang kanyáng sarili. Iniunat niyá ang kanyáng gusót na kasuotan, hinaplós ang kanyáng buhók, at iniharáp ang nakabaligtád na kartóng kinasúsulatan ng kanyáng pangalan, na nakasabit sa kanyáng liíg.
“Mirá Beche,” ang bigkás ng amáng nagtanóng sa kanyá kaní-kanina lamang kung anó ang kanyáng ginágawâ. “Iyán ba ang iyóng pangalan?”
May iláng nápatawá sa pagkariníg nitó, subalit sa pagnanais na hindî magpahiyâ ng kapwâ, ang ibá ay umubó na lamang o kayá’y pumadyák.
“Opň,” ang magalang na tugón ng batŕ. “Mirá Beche ang aking pangalan, kagaya ng sa aking iná.”
Nagkatinginan ang mga nakáriníg nitó, ngunit bago pa may anumáng masabi ang sínumán ay pumasok na sa silíd ang gurň ng mga batŕ.
Ang gurň ng mga bata ay nasa gulang na mga ápatnapú hanggáng limampúng taón, mukháng mahigpít, subalit may malumanay na pagkilos. Sa kanyáng kalmadong tinig ay binatě niyá ang lahát ng magandáng hapon, at umupň sa kanyáng upuan. Sa ibabaw ng kanyáng mesa ay may isáng kuwadernong kinasúsulatan ng mga pangalan ng mga mag-aarál na kanyáng tinúturuan. Hindî nagsásayáng ng sandalî, binuklát niyá itó pagkaupóng-pagkaupô, at tinawag isá-isá ang pangalan ng kanyáng mga estudyante.
Bawat mag-aarál na mátatawag ay magtátaás ng kamáy, at ipakíkilala sa gurň ang magulang. Nang pangalan na ni Mirá Beche ang tinawag ay nagtaás itó ng kamay at buóng paít na iniulat, nang magtaás ng kilay ang gurň, na hindî pa dumáratíng ang kanyáng iná.
“Ngunit malinaw na sa ika-apat magsísimulâ ang pagpupulong,” ang sabi ng gurň sa mahinahong tinig. “Kung siyá ay isáng responsableng ina—at hindî ko siyá ináakusaháng hindî—sana’y dumatíng man lamang siyá bago ang takdáng oras. Natítiyák mo bang náipahatíd mo sa iyóng iná ang tungkól sa pagpupulong sa hapong itó?”
Tumangô ang batŕ. (Liban sa pawis sa kanyáng mukhâ at katawán, pawî na ang luhŕ sa kanyáng mga matá.) “Ang tungkól pô sa pulong na itó ang unang-unang sinabi ko sa kanyá sa aking págdatíng sa bahay kahapon,” ang ulat ni Mirá Beche. “Itó rin pô ang palaging nabábanggít niyá sa bahay kahapon hanggáng sa pag-alís ko doón ngayóng araw na itó. Sinabi niyá sa akin na magpúpuntá raw siyá.” Wari’y napápaluhŕ na namán ang batŕ. “Ipinág-áalalá ko pô ang hindî pa niyá pagdatíng. Máyroón kayáng nangyari sa kanyá? Maraming tao daw, sabi ng aming kapitbahay, ang namámatáy na lamang biglâ, sa oras, lugár, at kaparaanang hindî ináasahan, at sa mga kadahilanang madalás ay hindî katanggáp-tanggáp.”
Ang pagkakábigkás ni Mirá Beche sa mga salitáng itó nang walâ man lamang halong pangambá ay nagpamanghâ sa mga nakáriníg, kasama na ang gurň. Silá pa ngâ ang kung pagmámasdá’y malinaw na sinidlán ng takot na para bang dahil lamang binigkás ng isáng batŕ ang tungkól sa kamataya’y tunay na máyroóng masásawî.
Gayunmá’y tunay na matalino ang gurň, sapagkát upang mapawě ang anumáng nagíng dulot ng pagsasalitâ ng batŕ, ay kanyáng isinagót, “Kung gayó’y maaaring náhulí lamang siyá. Gaano man ang pagnanais ng isáng tao na gawín ang isáng gawain, máyroón pa ring mga bagay na hindî maiiwasan, ni hindî mapagháhandaán nang lubusan, at ang mga itó ang sa kadalasa’y nakagágambalŕ sa pagtugón niyá sa isáng respónsibilidád. Gayunmá’y aking ináasahang hindî mangyari, o nangyari, o nangyayari, sa mga sandalíng itó, sa iyóng iná, ang iyóng ikinatatakot, Mirá Beche.”
“Gayón din pô ang gustó kong isipin,” sabi ng batŕ, bahagyáng napawian ng pag-aalalá, “at nakabubuti pô na inyóng binigkás iyán.”
“Salamat, Mirá Beche, at habang hiníhintáy mo ang iyóng iná, maaarě bang lumabás ka muna sa silíd? Silá na munang may kasamang magulang ang aking pupulungin.”
Nakaramdám ng lungkót si Mirá Beche. Mulíng umagos ang kanyáng luhŕ. “Kailángan pô ba?”
“Siyá ngâ namán,” ang sagót ng isáng ináng nakádamá ng awŕ sa batang sapát nang hindî sinipót ng sariling iná, ngayó’y pinalálabás pa ng silíd. “Hindî ang init ng araw sa labás ng silíd ang mahirap batahín ng musmós,” ang dagdág nitó, “kundî ang pag-iisá, ang pagiging ibá sa karamihan, ang kawalán ng karamay. Gaano ba ang kaibahán ng maríriníg sa pagpupulong ng isáng batang walang kasamang magulang sa mga batang, katulad ng lahát dito maliban sa kanyá, máyroón?”
Nápakunót ang noó ng gurň. “Walâ namán,” ang wika nitó. “Walâ talagá. Ngunit hindî ba’t kung pahíhintulutan ko ang ganitóng paglabág—sapagkát anó ang itatawag natin sa hindî pagdaló ng isáng magulang sa isáng pagpupulong na maaga namáng náipaalám sa kanyá, kundî isáng paglabág? Kung pahihintulutan natin itó’y anóng mensahe ang iparáratíng natin sa ibáng mga magulang, kung hindî man sa klaseng itó, ay sa buóng páaralán, at higít dito’y, sa lahát ng mga magulang sa buóng bansâ? Ang pagmamagulang ay hindî lamang kasíng-simple ng pagpaparami. Itó’y respónsibilidád na kailángang matutunan—hindî! Natutunan na bago pa man mag… hindî ko na sasabihin. Masyadong maraming nasa murang gulang pa upang máriníg itó. Ang aking sinasabi’y tungkól sa mga pananagutan ng isáng magulang, at ang kahalagahan ng pagtupád ditó, sa kapakanán na rin ng batŕ.”
“Kung gayo’y hindî namin kayo mapipilit. Aasa na lamang kamí na tamâ ang inyóng pasiyá.”
“Akó’y nagtuturň na sa loób ng labíng-anim na taón, at nagdaraos ng mga pagpupulong kasama ang mga magulang sa lahát ng taóng itó. Makaaasa kayóng tamŕ ang aking pasiyá, at magiging mabuti para sa lahát.” Pagkatapos ay itininuón nitó ang kanyáng paningín kay Mirá Beche. “Ngayón, Mirá Beche,” ang sabi nitó nang buóng hinahon at pagtitiwalŕ sa kapasiyahán, “sa labás ng silíd ka hanggáng sa dumatíng ang iyóng iná.”
Matagál bago nakatugón sa Mirá Beche. Patuloy ang pag-agos ng luhŕ, ngunit kinagát na lamang ni Mirá Beche ang kanyáng labě. “Opô,” nasabi niyá sa wakás.
Papalabás na siyá ng pintô nang máriníg niyá ang mga yabág na kilaláng-kilalá na niyá bilang sa kanyáng iná. “Si iná!” ang kanyáng bulalás, na nagíng sanhî ng pagkagulat ng karamihan sa silíd.
Pumihit si Mirá Beche upang harapín ang lahát at muling binigkás nang buóng kagalakan at págmamalakí, “Si iná!”
Bumukás ang pintô at isáng babaeng nagkákaedád ng mga labinlimá o labinganim ang humaráp sa lahát. Siyá ay pinagpápawisan at hinihingal—malinaw na nagmadalî sa pagtungň rito. Siyá ay nakasúsuót ng uniporme ng mga tagá-mataás na páaralán.
“Nagsísimulâ na ba, Gng. G—?” ang tanóng nitó sa gurň. “Hulí na ba akó ng datíng?”
“Mirá Beche?” ang tanóng ng gurň, na nákilala ang hulíng datíng, dahil itó’y hindî ibá sa isáng estudyanteng kanyáng náturuan na sa unang baitáng, walâ pang sampúng taón ang nakalilipas.
“Akó ngâ pô, Gng. G—, at akó’y pagpaumanhinán ninyó. Si Gng. A—, sa mataás na páaralán, ay maagang nagbigáy ng leksiyón. Itó’y hindî inaasahan, at kung hindî siyá nagpalabás nang tatlumpúng minuto bago ang takdáng oras ay malamáng ay hindî ko na nádaluhán ang pagpupulong para sa aking anák.”
Niyapós ng nakababatang Mirá Beche ang hitŕ ng nakatátandâ. “O, iná. Akalŕ ko pô’y may kung anó nang nagyari sa inyó.”
“Walâ, Mirá Beche. Walâ. Huwág kang mangambá. Liban sa naiinitan sa pagkakalakad mulâ sa gusaling pang-mataás na páaralán hanggáng ditó, ang iyóng iná’y nasa mabuting kalagayan.”
Namanghâ ang lahát. Tunay bang mag-iná ang dalawáng itó? Kung totoó’y sino ang amá ng batŕ, kung máyroón man? Anumán ang kasagutan dito, isáng bagay ang malinaw: lubós na nápakabatŕ pa ng iná upang ipakasál man lamang.
Hindî napigil ng karamihan ang magbulúng-bulungan. Sa bandáng hulí’y si Gng. G— na ang hindî nakatiís. “Tunay ba na ang isáng iyán ay iyóng anák?” ang kanyáng tanóng.
Ngumitî ang nakatátandáng Mirá Beche nang waláng anumáng pagdáramdám sa tanóng na itó. “Abá’y opô, Gng. G—,” ang kanyáng sagót nang buóng katapatan.
“Kung gayó’y,” ang sabi ng gurň, lubós ang pagkabiglâ, “nápaká-batang iná mo namán.”
“Siyá ngâ pô,” ang sagót ni Mirá Beche, ang iná. Ang batang iná.
Itútulóy…
Sa pagpapatuloy ng…
Nangyari nga ang ikinatatakot ni Mira Beche. Binalaan na siya hinggil dito ng kanyang tiyahin, subalit hindi siya nakinig. Mayroon pa sanang isang paaralan sa kanilang bayan, mas malayo nga lamang ng ilang milya mula sa kanilang bahay kaysa dito sa paaralang ito, ngunit tiyak namang walang nakakikilala sa kanya.
Dito nga siya nagtapos ng mababang paaralan. Hindi pa gaanong matagal—wala pang apat na taon ang nakalilipas. Oo. Sapagkat siya ngayo’y nasa ikaapat na taon sa mataas na paaralan, katabi ng mababang paaralang kanyang pinagtapusan, ang paaralang pinapasukan ngayon ni Mira Beche, ang kanyang anak.
Ngumiti na lamang si Mira Beche sa mapaghusgang titig ni Gng. G—, at itinanong, “Matagal na bang nagsisimula ang pulong?“
Hindi tinugon ng guro ang kanyang katanungan, at sa halip ay isinara ang kanyang kuwaderno, isinilid ito sa kanyang tampiping yari as balat, at iniulat sa lahat: “At diyan po nagtatapos ang unang pulong ng Lupon ng mga Magulang at Guro sa taunang pangeskuwelang ito. Maraming salamat sa lahat ng dumalo...” at isang matalim na tingin ang kanyang ibinigay kay Mira Beche, isang tinging nagpadugo sa puso ng batang ina, bago ang pasaring na: “... sa oras.”
Binitbit ng guro ang kanyang mga dala-dalahan—ang tampipng yari sa balat, isang mahabang payong, at isang supot na kinalalagyan ng tsinelas na kanyang isinusuot sa halip na sapatos kapag dumudulog sa tangapan ng punong-guro—at mabilis na lumabas ng kuwarto.
Hindi nagtagal ay nagsipagtayuan na rin ang mga magulang at nagsipaghanda sa paglisan. Si Mira Beche, na hindi makapaniwala na ang kanyang pagkahuli ay ganoon katagal upang matapos ang pagpupulong nang wala man lamang siyang inabutan, ay nagtanong sa mga magulang, “Ano ang napag-usapan? Ano ang napag-usapan?” ngunit siya’y iniwasan ng mga ito na wari’y mayroon siyang nakahahawang sakit.
Mabilis na nag-alisan ang lahat hanggang sa ang natira na lamang sa loob ay si Mira Beche at ang kanyang anak. Sa wakas ay ito na lang ang kanyang tinanong. “Ano ang napag-usapan?“
“Wala po, ina,” ang sagot nito. “Wala po.”
Naghilakbot ang boung katawan ni Mira Beche. Sinabunutan niya ang kanyang sarili at buong pait na binigkas, “Nangyari na nga ang aking ikinatatakot!“
Itútulóy…
Sa pagpapatuloy ng…
Isa pang bagay na ikinatatakot ni Mirá Beche ang naganap iyon ding araw na yaon. Nasasa daan na sila papauwi sa kanilang dampa ng kanyang anak na si Mirá Beche, malapit na sa tulay na kahoy na nagdurugtong sa bayan sa munting islang kinatitirikan nito sa gitna ng sapa, nang ang bagay na ito’y nangyari.
Bago marating ang tulay na kahoy na ito’y madaraanan muna ang tindahan ni Manang Graciana, at sa harapan nito nauupo ang asawa ng may-ari, si Mang Tiburcio, na mas kilala sa buong bayan bilang si Tiburciong bastos. Nagkakaedad ng pitumpu’t-lima, wala ng ginawa ang matandang ito sa paghihintay ng araw ng kanyang kamatayan kundi ang maupo sa isang bangko sa harapan ng tindahan ng kanyang asawa, at habang himas-himas ang kanyang sasabungin, ay nambabastos ng mga nagdaraan.
May labing-apat na taon na rin si Mang Tiburcio sa ganitong pampalipas-oras, at liban sa dalawa o tatlong pagkakataon na halos humantong sa pagdanak ng dugo ang kanyang pambabastos noong mga unang taon niya, nakasanayan na ng mga taong-bayan ang kanyang maruruming pananalita.
Nakagisnan at nakalakihan na nga ni Mirá Beche ang mga pambabastos na ito, at sa katunaya’y itinuturing nang bahagi ng pamimili sa tindahan ni Manang Graciana ang makipagpalitan ng insulto sa matandang lalaki.
Subalit sa kabila nito’y hindi niya malaman kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso at pinagpawisan siya ng malagkit at malamig nang itanong sa kanya ni Mirá Beche, ang kanyang anak: “Ina, mayroon pong bagay na sinasabi sa akin ang matandang si Tiburciong bastos, at ang ilan po dito’y hindi pa abot ng aking murang pag-iisip. Gusto ko pong malaman, papaano ninyo po ba ako naging anak?”
Napahinto si Mirá Beche sa paglalakad. Nagkataong nasa tapat sila ng tindahan ni Manang Graciana, at gaya ng dapat asahan, naroroon si Tiburciong bastos. Ang masama ay, narinig yata nito ang tanong ng anak ni Mirá Beche, kaya’t nangi-ngiti-ngiti ito nang kanyang masulyapan.
“Oo nga,” wari’y itinatanong nito, sa isip-isip ni Mirá Beche. “Papaano mo ba naging anak iyang batang iyan?”
Ipinikit nang mahigpit ng batang ina ang kanyang mga mata upang makaiwas sa mapagkutyang titig ng matandang bastos. Wala man itong sinasabi ay para na rin siya nitong inaalipusta at binabastos sa harapan pa man ng kanyang anak.
“Ano po, ina?” ang tanong ni Mirá Beche. “Bakit po tayo huminto?”
“Anak,” ang simula ng batang ina. “Hindi ko inakalang nanaisin mong malaman ang hinggil sa bagay na iyan sa iyong napaka-murang edad na ito. Napaka bata mo pa…”
Matagal na natigilan ang ina, kaya’y sinabi ng anak.
“Kung ayaw po ninyong sabihin muna ay mauunawaan ko. Iyon nga lang po, sa araw-araw na may maririnig ako buhat kay Tiburciong bastos, ay magpapanggap na lamang akong naiintindihan ko, kahit na ang totoo’y hindi.”
“Hindi mo dapat gawin iyan. Kailangan mong malaman. Matagal na akong handang ipaliwanag sa iyo ang hinggil sa bagay na ito. Ang hinihintay ko na lamang ay ang pagtatanong mo. At ngayong itinanong mo na… ngayong itinanong mo na, wala akong dapat gawin kundi ang sabihin sa iyo ang lahat-lahat, at ipaliwanag sa iyo ang kumpleto at buong detalye kung papaanong ikaw ay naging anak ko, at ako naman ay iyong ina.”
Nagningning ang mga mata ng batang si Mirá Beche. “Talaga po, ina? Ikukuwento ninyo na sa akin ang lahat-lahat?”
“Oo, aking anak,” ang sagot ng batang inang si Mirá Beche. “Oo.”
Itútulóy…
|
df
|