KKTK Leadership Training Seminar
March 8, 2009

Bilang mga kabataan, kayo ang malaki ang chance na datnang buhay sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesukristo. At sana, sa ating mga paggawa ay huwag din nating kalilimutan, mga kapatid na ang mahalaga sa atin ay yung bagay na para sa itaas, huwag natin ilagak ang ating mga pag-iisip sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa. Kundi ilagak natin ang ating mga pag-iisip doon sa mga bagay na nasa langit. Kaya tayo ay gumagawa, hindi para sa bagay na panlupa kundi para doon sa ikakapagiging dapat ng ating mga kaluluwa sa kaharian ng Dios. Kaya huwag kayong mag-isip na ang paglilingkod sa Dios ay pag-babarkada, masaya sa kalokohan o kaya mag-uusap ng mga bagay na pansanlibutan. Kami ay naniniwala na mayor parte sa inyo ay may pangako sa Dios, na sumusunod duon sa mga gustong makita sa isang kabataan, na lumalayo sa masamang pita ng laman. Bilin ng Biblia sa atin. 2 Tim 2:22 “Datapuwa’t layuan ninyo ang masamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.” Huwag tayong mahirati sa masang pita ng sanlibutan. Kundi mabuhay tayo duon sa gusto ng Dios, na tayong mga kabataan ay makasama sa pagtupad ng hula na sa mga huling panahon ay ibubuhos ng Dios ang kanyang Espiritu. Yung mga binata, yung mga dalaga, sila ang recipient, at yun ay nangyayari sa loob ng pagsasama-samang sa Dios. Ang wika sa Joel 2:29 “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu” Joel 2:28”At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panagip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:” Kaw. 1:23 “Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo, at ipakikilala ko sa inyo ang aking mga salita.” Para tayo ay makasama duon sa magiging receipient na mabubuhos ang Espiritu, dapat marunong tayong magpasaway sa Dios, at hindi tayo hahanay duon sa mga tao na ayaw magpasakop sa mga utos ng Dios. Alam ko, na kayo bilang mga Kristianong sumusunod sa aral ng Dios ay magpapasaway tayo. Hindi tayo kagaya ng ibang kabataan na ang kasayahan ay disco at bawal na gamot. Hindi ganon ang kabataang lingkod ng Dios.
Kaya mga kapatid, sa kabuoan ng ating mga pagkakatipon, sana ay ok kayo. Sana ay madala natin ito sa ating kapwa kabataan. At patnubayan nawa tayo ng Panginoon na matugunan natin yaong mga bagay na magsisilbing paraan para tayo ay mas makagawa ng epektibo bilang mga opisyales. Na ang lagi nating batayan ng ating pag-gawa ay yaong aral ng Dios. Yung sinasabi sa Fil. 1:27”Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo’y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo’y matitibay sa isang espiritu, na kayo’y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;” Huwag tayong aalis sa pattern na iyan. Kahit na anupang libro ang inyong mabasa, kahit na anong pelikula ang inyong mapanuod, kahit sinumang marinig ninyong speaker… Lagi nating tatandaan na ang panuntunan ng Kristiano ay ang Banal na Kasulatan. I Cor 4:6 “ Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.” Ito’y isang bagay na dapat lagi nating maintindihan na mga lingkod ng Dios, yaong mga aral na sinulat ng Dios , yun ang batayan natin sa lahat ng ating mga paggawa, sa lahat ng ating mga paglilingkod. Na unang-una gawin nating mula sa puso ang lahat ng kalooban ng Dios. Efeso 6:6 “Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;” Anong klaseng puso? Isang pusong malinis, na lumalayo sa masamang pita ng kabinataan… sa masamang pita ng laman. Isang pusong malinis na may takot sa Dios. Layuan mo ang masamang pita ng kabinataan. Sundin mo ang kabanalan. Ang pananampalataya, pag-ibig at kapayapaan, kasama ng mga nangatatakot sa Panginoon. Lahat ng ating ginagawa ay gawin natin sa pag-ibig. Gawin ninyong may karapatan at kaayusan ang lahat ng mga bagay.
Pero ang mas mahalaga sa isang lingkod ng Dios at binibigyang pansin at importansya ay ang mga aral ng Dios. Sapagka’t ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios. Kaya umaasa ako mga kapatid, na you will always be guided by the holy scriptures. Mas marami na ang mga kabataan ngayon. Kaya dapat mas lalo nating ipakita ang pwersa ng kabataang may takot sa Dios. Ang kapisanan o pagsasamasama ng kabataang ito ay hindi layabilidad ng lipunan. Kundi kayo ay asset ng sanlibutan na may paniniwala doon sa aral na ating kinikilala. Kaya sa ngalan ng mga MIC at mga manggagawa… dalangin namin ang pinakamabuti sa inyo. Kasiyahan nawa kayo ng Dios sa inyong mga paggawa. Pagpalain nawa tayo ng Panginoon. Magandang gabi sa inyong lahat.
Bro. Eli. on his 43rd Birthday in Spirit
April 7, 2007

Gusto kong maiwan sa inyo, mga kapatid ang paniniwala, pakiramdam na mayrong Makapangyarihang Dios sa lahat, na kahit na gaano kalaki ang uniberso, at kahit gaano karami ang tao, ang Dios na Iyo’y nakikinig sa isang indibidwal na panalangin ng isang mahirap na tao at isang taong walang kabuluhan.
Naniniwala po ako, na may Dios na nag-aalala para sa araw ng bukas, nagmamahal, nagtuturo, nagpapagaling, nagbibigay ng buhay, nagpapapumanhin, nagtitiis sa ating mga pagkakamali. At sa Kaniya, nagpapasalamat ako mga kapatid mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
at sa bawa’t pasang iniaatang ng Dios sa atin, magpasalamat kayo, sa bawat responsibilidad, magpasalamat tayo sa bawa’t pananagutan. Ibig sabihin, dagdag na pagtitiwala ng Dios sa atin, huwag nating iwala, huwag nating biruin. At sana higit sa lahat,
huwag niyong gamitin ang kapangyarihan para mang-api ng kapatid. Huwag nawang mangyari sa inyo mga kapatid. Pagharian kayo ng Kapangyarihan ng Dios. Huwag niyong pagsamantalahan ang mga kapatid at huwag ninyo silang abusuhin sa kanilang mga pagtitiwala.
Mga MIC, mga manggagawa, ang hinihiling ko sa inyo, pinakamabuting regalo ninyo sa akin, mahalin ninyo ang mga kapatid, lalo na ang mga kapos-palad sa buhay. Huwag ninyo silang pababayaan.
May mga kapatid na hindi nakakatulong ng literal o material, wala silang pera, may mga kapatid na hindi naman nakakapag-aabuloy dahil sa kakapusan sa buhay pero naniniwala ako, napakahalaga ng kanilang mga daing sa Dios, ng kanilang mga panalangin para sa atin. Hindi iyon mabibili ng salapi.
Salamat sa inyo mga kapatid sa inyong mga panalangin, nakaramdam po ako ng ginhawa dahil sa panalangin ninyong mga magkakapatid. Huwag kayong magsawa na humiling sa Dios para sa patuloy na pag-akay sa inyo at sa ating mga kapuwa tao.
Tandaan ninyo ang ibig kong ipahiwatig mga kapatid, kahit na ang Dios ay maraming tinitingnan, napakaraming tao sa mundo, kahit na po Siya ay maraming pinakikinggang dasal, kahit marami Siyang inaasikasong mga anak, kapag tayo’y nananalangin, nakikinig Siya sa bawa’t isa sa atin.
Sana lagi ninyong matandaan, ang Napakadakilang Dios nakikinig sa isang panalangin ng alabok na walang kabuluhan. Huwag kayong mag-alinlangan mga kapatid. May Dios sa langit. May Dios na nagbabantay at nagmamalasakit. At dahil sa Kaniyang mga kabutihan, magpasalamat tayo sa Kaniya, hanggang sa walang hanggan sa lahat ng taong malalaan ng ating mga pagkatao.
Salamat sa Dios ng isang walang hanggang pagpapasalamat. Napakadakila ng ating Panginoong Dios lalo na sa atin sapagkat ang hindi Niya ibinigay sa iba, ibinigay Niya satin, mga kapatid.
Cavite KKTK Officer's Congress 2007
Words of Wisdom from Bro. Eli

"Kung papipiliin ako, kung anong buhay ang nais kong maranasan muli ay pipiliin ko parin yung dati na naglalakad ako ng siyam na kilometro para makarating sa dedestinuhan..."
"Sa nag-iisip ng masama, bago sana dumating ang pagkakataon na ako'y lalaban sa kanya ay kunin nalang ng Panginoon ang buhay ko, kaysa lumaban ako..."
"Masaya na ako na nahihirapan dahil alam ko na dito ako magiging dapat sa Dios..."
"Minsan, parang sasabog ang isip ko na daladala ang mga problema ng mga lokal, MIC, manggagawa dahil ito'y responsibilidad, dahil ito'y obligasyon. Bakit namin ito ginagawa, pagkat natutunan naming mabuhay para sa Dios at para sa kapwa at tanggapin ang akusasyon na hindi totoo. Ito'y aming natutunan dahil sa Dios..."
"Masarap mapagod...kapag napapagod ka, alam mo na ito'y sa Dios. Kahit malipasan ka ng gutom, alam ng Dios na ito'y para sa tungkulin..."
"Ang masakit ay iyong pagsasabihan ka pa ng masasama dahil sa tungkulin na hindi naman totoong mga paratang..."
"Sabi ng Dios, kapag nagawa ninyo ang mga tungkulin, sabihin mo... Mga alipin kaming walang kabuluhan..."
"Pagpapalipas ng gutom, pang-aalimura, puyat, pagod, ito'y para sa inyo..."
"Ang buhay ay laging masaya, may patutunguhan, pero puno rin ng sakripisyo"
"Sa kabila ng iyong mga ginagawa, ay pinagbibintangan ka pa nila,pero ito'y nakaguhit na sa landas na iyong tinatahak"
"Bagamat nahihirapan ang kaisipan, katawan at ang buong buhay, pero hindi ito katumbas ng kaluwalhatiang mahahayag sa atin."
"Ibigin natin ang ating kapwa."
"Magpakatatag kayo! Kakaunti nalang ang panahong nalalabi sa atin"
Words of Wisdom from Sis. Luz

"Sana pakahalagahan ninyo ang tungkuling ibinigay sa inyo ng Dios"
"Ang tungkulin ay paglilingkod sa Dios, sa iba, sana huwag kayong manghihimagod dahil hindi na magtatagal ang ating pagtatapos... Ang ating graduation"
"Tulad ng nasusulat sa Tito 2:12-13, lagi po nating tatandaan ang aral na ito, ito ang tunay na pagtatapos ng tungkuling ibinigay sa atin ng Dios. Sana ay huwag natin itong ipagpalit. Tungkulin natin ang mag-ingat sa ating sarili (I Tim 4:16).
"Bilang tinuturuan ni Kapatid na Eli, dapat ay manahan tayo sa aral (Tito 1:9) at tapat na salita na itinuturo at natutunan natin ng legal sa tagapagturo sa ating panahon."
"Kung anong itinuro sa atin, ito ang dapat nating panghawakan, di tulad ng iba na hindi nila iningatan at nagtaksil sa katotohanan."
"Huwag kayong magyayabang, dahil ito'y kinagagalitan at pinagtatanim ng Dios. Dapat nating kilalaniin na may nakakasakop satin. Dapat tayo pasakop sa namiminuno sa atin."
"May pagkakataon na magugutom kayo, walang pamasahe, sa pagkakataong ito ay magtiis kayo dahil ito'y tiyak na may reward (kagantihan mula sa Dios)."
Sabi ni Ingkong 8th NYC - April 25, 2005

Dapat ang pagsasaya ay may kasamang gunita, na pagkatapos ng saya ay may kasamang kalungkutan (Ecles. 7:2). Hindi naman masamang maging masaya at tumawa, una sa lahat, pag Kristiano, inutusan tayong maglingkod na may kasiyahan (Awit 100:2). Sana gayon ang kasayahan natin, kasayahan sa paglilingkod sa Dios. Baka kaya ka masaya dahil may date kayo sa CR o may syota ka ngayon. Dapat magpauna sa atin ang sabi ni Pablo sa Col.3:17 "At anomang inyong ginagawa, sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginong Jesus na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya." At sa I Cor.1:31 "Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang iyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios." Dapat magpauna sa ating paggawa yung bagay that will give glory to our God, di lang para sa atin. Gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios. Masaya tayo dahil nagbibigay kadahilanan sa laman, mali yun. Ang sabi sa Ecles. 11:9 "Ikaw ay magalak, oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: ngunit talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan." Dapat masaya tayo dahil ginagawa natin ang kalooban ng Dios.
The desire of the flesh - yan ang nauuna sa kabataan. Hatol ang ating tatamuhin kung susundin mo lahat ng maibigan ng iyong kalooban. Sabi sa Biblia ang kabataan at kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan. According to Science, from age 13-25, ito ang peak of our ability, of our strength, of our desires, of our goals in our life, yet sabi ni Salomon sa - Ecles. 11:9.Pero hatol ang darating kung susundin mo lahat ng maibigan ng iyong kalooban, kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan. - Ecles. 11:10. Bakit sinabi ni Salomon na walang kabuluhan? Ano ba ang nagbibigay kabuluhan sa buhay? -- "Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: Ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kanyang utos sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao." - Ecles. 12:13. Yun lang naman ang nagbibigay halaga sa buhay... "YUNG TUNGKULIN"
Yung upuan, kaya lang mahalaga dahil nauupuan. Yung damit pag di mo naisuot, kahit mahal, walang kabuluhan kung di mo nagamit. Sabi ni San Pablo, "Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking sariling buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Hesus -Gawa 20:24. Ano ang tawag ng Biblia sa di nakakaganap ng tungkulin? Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na parang anino - Ecle. 6:12. Sa science, ang anino--- Wala yun. It's not either a matter or a spirit. A shadow may occupy space but not weight. Walang naiiwang bakas. Walang Legacy. Pag diyan natin ginugol ang ating buhay, tama ang sabi ni Salomon.
Natural lang magka-crush, natural lang na magka-infatuation, wag lang dadahilanin yun para magbigay kadahilanan sa laman - Gal. 5:13. Malaya naman tayo. You can do as you wish. Huwag mo lang gagamitin ang iyong kalayaan upang magbigay kadahilanan ang laman. Huwag kayong papares sa lakad ng sanlibutang ito. - Roma 12:2. "MAG-IBA TAYO". Kaya nga inumpisahan na natin na walang sigarilyo... walang barkadang masama... at walang alak...
INUMPISAHAN NYO NA, ITULOY NYO NA. May hula sa Biblia tungkol sa inyo at nakikita kong unti-unting natutupad yon. Tulungan nyo akong mapasaya ang Dios. Hindi lang utos ang tinutupad, pati ang hula sinusunod din. Ang hula sa Jer 30:19-20... Sundin ninyo ang course ng hula... ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya ng una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko. KAYA TATAGAN NYO MGA KABATAAN, HUWAG KAYONG BIBITAW. Yong nakilala nyong aral, lahat ng natutunan natin, gawin natin. Makikita nyo pagdating ng araw, masasabi nyo sa inyong mga anak,"Anak ang buhay ko ay ginugol ko ng makabuluhang paggugol." Ako, alam ko, nagamit ko ang lakas ko sa makabuluhan. Ang pruweba, kayo, natuto kayo ng natutunan ko.
Napakaswerte nyo pag natuto kayong sumunod sa Diyos. Natitiyak ko ang mga mata nyo ang makakakita ng pagparito ng Panginong Jesus. Wag lang kayong magpapakasama, wag lang kayong magpapakaabuso, wag lang sasadyain ang pagkakasala. At kung mananatili kayo sa paglilingkod, kayo ang generasyon na makakakita ng pagbabalik ng ating Panginoong Jesus. Di na kayo tatanda ng kasing tanda ko.
PAGBUTIHIN NINYO, MGA KABATAAN, kayo ang aking ipinangungutang. Kayo ang makikinabang ng lahat ng ito. Kung kayo'y magpapakabuti, you will be the receipient of all the goodness of our God. Sana wag akong mabigo sa aking mga pangarap sa inyo. Kasama ninyo ang mga apo ko na nagsisilaki ngayon, alalayan ninyo sila. tulungan ninyo ang kapatid na Daniel sa pagtataguyod sa gawain ng Dios. Magkaisa-isa kayo. UNITED WE STAND, DIVIDED THEY FALL. Di puwedeng divided we fall, di mangyayari yun sa kabataan sa samahang ito, sabi ni Pablo sa Roma 8:35-39... Walang makapaghihiwalay sa isang sumasampalataya sa pag-ibig kay Kristo.
SA MGA KABATAAN, ITULOY NYO YUNG KABUTIHANG INYONG NAKILALA. PAGKA MANANALANGIN KAYO SA GABI, PAG MAY PROBLEMA KAYO, ITANGIS NYO, SASAGOT ANG DIOS..."BAHAGI KAYO NG ISANG GRUPO NA HINDI MATATANGGIHAN NG DIOS!"
Leadership Behavior Pattern

L - Loyal Dedication and devotion to his / her work.
E - Efficient Bringing out the best in everything.
A - Appreciative Thoughtful, grateful and thankful.
D - Disciplinarian Oriented on self-discipline than imposed discipline.
E - Economical Optimize use of resources.
R - Responsible Builds honesty, trust and confidence.
S - Simple Makes things easy and understandable.
H - Humble Faces life with truth rather than escapism.
I - Ideal Set good examples for others.
P - Patient Tries to understand and to advice than to penalize.
Datapuwat hindi ko minahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeryong tinanggap ko sa Panginoong Hesus, na magpatotoo ng Evangelio ng Biyaya ng Dios.
Gawa 20 : 24
Bukod dito’y kinakailanagn sa mga katiwala na ang bawat isa ay maging tapat.
I Cor. 4 : 2
Sa matanda nga sa inyoy umaaral ako, akong matandang kasamahan ninyo at isang saksi ng mga hirap ni Kristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag.
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, Na hindi sapilitan kundi may kasiyahan, na ayon sa kalooban ng Dios, ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pag-iisip;
Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan.
I Ped. 5 : 1-3
NMS 2004 CONSULTATION WITH BRO. DANIEL

• Dapat maging organized kayo ngayong bata pa kayo…
• Dapat pangatawanan mo ang pagiging active mo, para ang pagiging active mo ay maitawid naman sa mga hindi active. Its just a matter of influencing people.. kung papaano mo sila maiimpluwensyahan ng mabuti. Magpakaaktibo ka para dumami ang mga active kagaya mo. Dapat kung meron kang kasalanan na nagiging hadlang sayo, iwan mo yun, para hindi ka maging inactive.
• Kung may iba kang dahil sa paglilingkod mo bukod sa pananamaplataya mo, masama yun.. kelangan tayo ay motivated ng pananampalataya natin, na ito ay daan ng ating ikaliligtas.
• Wag kayo manghawak sa presidente nyo.. sa namumuno sa inyo.. bakit ka ba nag-choir, dahil ba sa presidente nyo? Hindi tayo nandito dahil sa tao, ang panghawakan natin ay ang aral ni Hesus.
• Dapat maging masigla ang grupo, pangunahan natin ang mga kagrupo natin. Gusto nating pasiglahin ang mga kapatid sa awitan, pero tayo hindi naman masiglang umaawit.
• Kaya ka nanghihimagod dahil sa kasalanang pumipigil sayo para makapaglingkod ka ng maganda. Tanggalin natin ang mga hadlang na yun. Natural lang ang pagkaramdam ng panghihimagod.. isipin mo kung ano ang ginagawa mo baka may nagagawa kang masama, at dumalangin tayo sa Dios, humingi tayo sa kanya ng tulong..
• Wag nating hilingin na sana madali lang ang hingin natin, sana may sapat akong kakayanan para malagpasan ko ang hirap¦
Kahit ang exam ay napakadali.. 1 to 10 lang mahihirapan ka kung wala kang alam pero kung alam mo lahat ng sagot, kahit 1 to 100 pa yan.. madali pa rin..
Wag nating hingin na sana maikli lang ang exam, dahil kahit gano kaikli yan at wala ka namang alam, bagsak ka pa rin, ang hingin natin sana may maisagot ako sa exam.
Ok lang kahit mabigat, basta ba tutulungan tayo ng Dios. Kung ang Dios ang tutulong sa atin, kahit gano pa yan kabigat!
• Hindi ka pwedeng maging good leader kung hindi ka good follower.
• If you are a good follower, you can make a good leader!
• Kailangan may common faith ang grupo para magkaroon ng isang frequency at diwa sa paggawa.. dapat parepareho tayo ng dahilan kung bakit tayo nasa grupo..
• Hindi nakukuha sa pagalingan ng boses ang choir unang-una dapat gawin natin ito sa pananampalataya,sa pagibig, sa pagkatakot sa Dios
• Tanungin natin sarili natin, may ginawa na ba tayong paraan para ang grupo ay magdevelop sa pagkanta? Gumawa kayo ng hakbang, take the initiative para magkaroon ng improvement
• Tanggapin mo na may hindi ka pa alam kasi kung parang alam mo na lahat, hindi ka na tatanggap ng pagkatuto, hindi ka na mago-grow.. tanggapin natin na mayrooon tayong hindi pa alam.. ang tanong kung ano ang hindi mo pa alam? coz if you do not know what you do not know, you will never grow
Gusto mo mag improve? Ano ba ang hindi mo pa alam?
Pagkatapos mo malaman kung ano ang hindi mo pa alam.. alamin mo..
• Kung gusto mo malaman ang tunay na kahulugan ng pagiging manggagawa, mag manggagawa ka
• Kung hindi ka marunong magsalita, e di gumawa ka na lang
• Meron kang pwedeng gamiting kasangkapan, hindi ka gagamit ng kanta, ng words.. mayroong naipapahayag ang paggawa..
• Pagtalagahan mo ang panalangin mo sa Dios..
• Pag nakakaramdam ka ng panghihina, isipin mong malakas ka. Wag mong isiping mahina ka..
• Wag kang hihiwalay sa grupo, lalo ka lang magkakaron ng chance makagawa ng kalokohan dapat isipin natin.. yan ba magpapaaluwan sa paglilingkod mo o magpapahirap pa? kung sa palagay mo ay magpapaaluwan sayo, magpaalam ka.. magisip tayo mga kapatid, para sa atin din naman yan e
• Wag nating gamitin ang kalayaan para mabigyang daan ang kalayawan
• Sa panahong ito, kailangan natin na tayo ay gumawang magkakasama. Kasi kung magkakatulong tayo, sigurado hindi uubra yan kahit anong gawin ng demonyo.. kaya natin yan, may awa ang Dios! Magkakasama tayong gagawa.
• Wag ka magsolo, magsama-sama tayo..
• Masarap ang pakiramdam kung alam mo na may kasama ka sa pakikipaglaban..
• Bilang magkakapatid, obligasyon natin na magtulungan, magdamayan, ipakita natin ang pwersa ng mga lingkod ng Dios.. wag tayong bibitaw!
E kung sila ngkakaisa sa panlaman,.. edsa, pano kung una sa lahat ay may Dios kang katulong, pangalawa, magkakatulong tayong lalaban sa mga suligi ng kasamaan bumangga na kahit sino!
• ipagmalasakit natin ang mga kasama natin sa grupo sa tingin ninyo.. hahayaan ba nating may isa na lang basta mahahatak ng kalaban? May isa na lang matitisod?
• Kayo mismo ang makakapagsagip sa inyong mga kasama.. wag nating sayangin ang mga nasumpungan nating mabuti.
• Ipagpapalit mo ba sa sandaling kaligayahan ang buhay na walang hanggang?
Dito sa buhay na ito, hindi tunay ang ligaya.. ang tunay na kaligayahan nandon sa buhay na walang hanggan
Ngayon kahit gaano ka kasaya, matatapos din yan
• Ano ipapangahas natin, sigurado ba tayong bukas ay buhay pa tayo?
• Dapat ang sinasamantala ng lingkod ng Dios ay ang paggawa ng mabuti, pagiging isang mabuting Kristiano at alagad ng Dios..
• Habang binibigyan nya tayo ng chance, wag nating waling kabuluhan yun.. habang inaakay tayo ng Dios sa pagsisi, magsisi tayo.
• Hindi ito magiging mahirap sa atin kung tayo ay magtutulungan, dahil bukod sa tulong ng Dios, tayo ay magkasama, magkatulong.
• Walang iwanan! wag kayong mangiwan.. wag yung konting bagay ay titigil na!
• Pag nakakaramdam tayo ng kahinaan, doon tayo babayuhin ng demonyo, kaya sa mga panahong yun, dapat pag-igtingin ang pananampalataya
• Wag nating iwala ang tungkulin natin sa Dios, bakuran natin ang ating mga kasama.
• Maglinis tayo ng kalooban sa kapwa, isang tabi ang mga samaan ng loob. Mga hinanakit, tampo, kanya-kanyang grupo .. alisin na natin yan..
• Ang sama ng loob nakakapagbigay sa atin ng depression yun ay kung paano natin tinitignan ang isang bagay.. baso.. nabasag.. initial na feeling.. nanghihinayang kasi matagal na sakin yun bakit ganoon? Hindi niya naisip na ok lang kasi matagal na sakin yun e..
2 aspeto ang pagtingin natin sa buhay.. positive at negative.. minsan nagiging positive pero hindi realistic.
• May problema ka? Tingnan mo kung papaano ba ito makakatulong sa atin
• Baunin natin, wag bigat ng kalooban, itapon na yun, magpatawad sa mga nagkakasala sa atin.. mas magiging magaan ang paggawa pag wala kang dala-dala.
• Everytime na may gagawin tayo.. gawin natin mula sa puso, pananampalataya, pagibig.. wag nating pabayaang tayo ay mapigil ng kasalanan.
• Tayo ay binibigyan ng spirit of discernment, yun yung mga nakasulat na salita sa puso.. wag nating baliwalain ang mga pagpapaalalang yun.
• Malaking bagay ang magagawa ng pagpapatuloy sa pagsasama-sama.
• Pakiramdaman nyo ang sarili nyo, may talab pa ba sayo yung mga bagay na napapakinggan mo?
• Alisin natin yun mga masasamang isipin matuto tayong magmalasakit
Sabi ni Kuya (Music Ministry)

Hindi mahalaga kung maganda o hindi ang boses mo. Kung mayroon kang pananampalataya, ito ay magbibigay sayo ng lakas, at ito ang magbibigay sayo ng mga bagay na hindi mo magagawa, at ang hindi natin kaya ang syang dudugtungan ng Dios.
Isang bagay lang ang dapat nating tandaan, anomang bagay na ating gagawin, gawin natin sa pananampalataya. Ano mang bagay na ating gagawin, gawin natin dahil sa pag-ibig natin sa Dios dahil sa pagsunod natin sa katuwiran. Huwag nyong gagawin na mayroong ano pa mang motibo bukod sa ibig nating makapaglingkod sa Dios.
Hindi tayo aakyat sa entablado para mapuri ng tao. Hindi tayo aakyat ng entablado para pumorma, magpa-cute o kung ano pa man. Sapagkat sinabi nga po ng banal na kasulatan tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo at wag kang manalig sa sarili mong kaunawaan.
Ano ang nasa atin na hindi natin tinanggap? Huwag tayong magmapuri kung maganda ang boses natin o may talentong ibinigay sa atin. Alisin ninyo yung diwa na pagpapaimportante, sapagkat hindi tayo pwedeng magmalaki sa Dios ano mang nasa atin ay hindi natin pwedeng ipagmapuri sa harapan ng Dios. Gasino na lang na alisin sa atin ng Dios yan. Kung ikaw ay may magandang boses, kapirasong sakit lang ng lalamunan, wala ka nang magagawa, kapirasong sakit lang na ibibigay sayo, mauubos ang kayamanan mo.
Huwag kayong masisiraan ng kalooban sa ating mga paglilingkod, may mga pagkakataon na parang gusto na nating sumuko, may mga pagkakataon na parang gusto nating magtaas ng ating dalawang kamay at sabihing tila hindi na natin kaya Subalit sa gaanong pagkakataon, lalo nating makikita kung gaano kabait ang Dios sa atin Kung ano man ang inyong magiging problema sa hinaharap, ang lagi lamang ninyong tandaan, hindi pwedeng wala yon. Nangangailangan tayo ng pagtitiis upang kung ating magawa ang kalooban ng Dios, magsitanggap tayo ng pangako.
Ang sarap nuong panalo ka at nandoon sa hirap na pinagdaanan mo. Hindi nyo mararamdaman yung saya ng isang nagtapos ng pag-aaral kung alam mo na nagbulakbol ka lamang sa paggawa. Kaya mas magiging masaya ang ating mga pagtatagumpay kung nararamdaman ninyo, yan ang nagiging puhunan ninyo alalahanin ninyong namuhunan na kayo ng oras, ng pagod, ng salapi, at ng marami ng mga bagay. Basta ba natin tatalikuran na lang ang lahat ng mga bagay na yan dahil sa isang iglap na pangyayari sa ating mga buhay ay pawawalang halaga na natin yung mga panahong iginugugol ninyo sa mga pag-eensayao, pagtitiis ng gutom, ng puyat basta ba kayo susuko? Basta ba kayo magbababa ng ating mga paninindigan?
Alam ninyo, sana pag kinakanta ninyo yung mga kanta ng pangako yung mga awit ng pag-asa sana damahin ninyo sa loob ninyo, lalo na kapag sinabi ninyo yung mga katagang MANININDIGAN KAMI. Ang paninindigan ay isang bagay na mahirap gawin isang bagay na nangangailangan ng tibay ng dibdib, nangangailangan ng pagtitiyaga higit sa lahat ng tulong ng Dios.
At sa tuwing tayo ay aakyat sa entablado, sa anumang performance na inyong gagawin, sa anumang bagay na inyong isasagawa, sa ngalan ng inyong tungkulin sa harapan ng dios, huwag na huwag kayong makakalimot na magtagubilin sa Kanya. Huwag na huwag kayong makalilimot na maglagak ng inyong buong pagtitiwala sapagkat, Siya lamang ang pag-asa natin sa buhay na ito.
Sa inyong lahat, umaasa kami na sa mga darating na panahon ay hindi kayo mababawasan at mangangaunti ng mangangaunti malungkot mang isipin, meron ding nawawala, meron ding hindi makakapagpatuloy, at alam nyo, yan ang pinakamasakit sa amin ang may makitang nalalagas sa ating mga kasama, Subalit gaya ng isang matapang na sundalo dapat ipagpatuloy natin ang ating laban.
Sana kasama namin kayo hanggang sa dulo na maninindigan bilang kawal ng Dios magmalasakit sa katiwirang ating nakilala sa harapan ng Dios
Ang sabi ni Kuya # 1

Lagi nating tatandaan sa tuwing may gagawin tayo tapos may sabit, isipin mo kaagad bakit nagkaganun..
Ito ang mga bagay na nakakahadlang; baka naman may iba kang motibo, o kaya may masama kang ginagawa, o kung hindi naman, nagtitiwala ka sa ginagawa mo..
Pagka ganyan tayo, hindi nga magiging maganda ang resulta, kaya dapat tuwing gagawin natin ang isang bagay, dapat alam natin ang ating intensyon, at ito ay maging maliit na kasangkapan ng Dios alang-alang sa kaligtasan ng ating kapwa.
Always say a little prayer to Him..
Bago ka gumawa lagi mong iusal sa Kanya, Panginoon, bahala Ka na po... kung di naman dahil sa 'Yo di ko magagawa ito..
Sometimes you have to be alone, but i don't feel alone... kasi alam kong kasama ko ang Dios.
When you talk, God listens, when you stop talking, God speaks, and you'll listen.
Kaya nga minsan, nararamdaman ko na kinakausap Niya ako... Pakiramdaman mo pag nag-iisa ka...
Mararamdaman mo na lang na kinakausap ka ng Dios, yung mga salita Niya laging magbibigay alaala sa atin.
Habang may problema ka, lalo mong ilapit ang sarili mo sa gawain, kasi kung magpapaapekto ka at lalayo, makakasalubong ka pa ng mas mabibigat na problema, makikita mo na lang na lubog na pala yung dalawang paa mo at lalo ka pang mababaon...
Kaya kapag may problema tayo, mas lalo nating ilapit ang ating sarili sa Dios.
Ang sabi ni Kuya # 2

In unity, we can achieve great things. Sa paggawa ng isang bagay, there are sacrifices. If you do not feel the urgency, you will take time. There must be self-imposed deadline. We need to think fast. We need to commit. That is when you will know your opportunity to choose. Essence: We need to have persistence. We have the ability to confront any problems.
Competent people always go the extra mile it is not we do not see the solution; it is we do not see the problem. We will face a tough and determined enemy that is why we need to be committed.
COMMITMENT is the enemy of Resistance… did you do your best? It is not easier if you pass the first trial. There is a leader in you that we need to develop to convince people to rally behind us to do what to do.
Problem is a part of our life. You need to have idealistic mind and burning desire. You will never win the battle if you will just defend, you need to offend.
DESIRE what you WANT! We’ve got to know what we want. Para wag kang mahirapang mamili, alamin mo ang kailangan mo. Kapag nagdesisyon ka, gustuhin mo ang desisyon mo! Learn the strategy ang pag-asang nasa iyo INGATAN MO! Ang may pag-asa nagpapatuloy. Kailangang ihanda mo ang sarili mo. Kailangang magpakalakas ka.
We need to be a competent leader, you have the ability to say, to plan and to do. Para sa isang mahusay na lider, Good enough is never good enough! Do the best of your ability. There is somebody who will help you. Kailangan marunong kang mang-impluwensya! You must know where you will go, define your goal and must focus: First things first. TO CONQUER YOURSELF little things mean a lot. The amount of heat that you can deliver depends upon the fire in you!
SET YOUR PRIORITIES. Know your potentials. KAPAG COMMITTED KA, NO MATTER WHAT NO EXCUSES! CHALLENGE YOUR EXCUSES. Lahat ng bagay may panahon. It starts from within. Rest if you must, but do not quit.
Competence: ability to say, to plan and do things. There is no room for weaknesses here! The real measure of a man is not where he stands in convenience WHEN A PERSON IS COMMITTED TO DOING SOMETHING, HE OR SHE WILL FIND WAYS TO SUPPRESS RATIONALIZATION EVEN WHEN IT IS INCONVENIENT. SUCH A PERSON WILL KEEP HIS OR HER COMMITMENT PERSISTENT IN LIFE AND IS CHARACTERIZED BY THIS MENTAL BEHAVIORAL TOUGHNESS.
Up | Down | Top | Bottom
|