Wall 3 / 2001



 

Introduction

 

We are well into the end of our third year with a sole contributor. Good! So let's cut the crap and get down on her.

 

The Editors
15 October 2001

 


 

 

Margie Corpuz

 

 

Para Kay Ex

 

TINANGGAL ko na
ang pangalan mo
sa phonebook ko.
Pinunit ko na rin
ang picture mo
sa wallet ko.
Ayoko nang pakinggan
ang mga kanta
na kinakanta mo noon
para sa ‘kin.
Pati mga palabas
na lagi mong pinapanood
ay ayaw ko na rin.
‘Pag may lakad ako
‘di ko na kailangang
magpaalam sa ‘yo.
‘Di na rin kita tinatawagan
gaya ng dati
sa bahay pag-uwi ko.
‘Pag nagdarasal ako
ipinagdarasal ko nang lahat
maliban sa ‘yo.
Sinisiraan na rin kita
sa pamilya ko
at sa mga kaibigan ko.
Pero tanggalin ko man
ang pangalan mo
sa phonebook ko
kabisado ko pa rin
ang number mo.
Punitin ko man
ang picture mo
alam ko pa rin
ang itsura mo
tuwing pipikit ako.
Kahit ‘di ako tumawag
binabantayan ko
ang telepono
sakaling ikaw ang tumawag.
‘Di kita ipinagdarasal
pero ikaw ang huling naiisip ko
bago matulog.
Sinisiraan kita
sa lahat ng kakilala ko
pero makokonsensiya lang ako
at tuluyang iiyak.
Tatahan lang ako
kapag kinakanta ko na
ang paborito mong kanta.


 

Maraming Salamat

 

SALAMAT a?
Salamat talaga.
‘Di ko inaasahang
may ibibigay ka pala
sa ‘kin.
‘Di ka na sana
nag-abala pa.
Nakakahiya naman sa ‘yo.
Pero salamat na rin.
Maraming salamat.
Siguro naubos ang pera mo
sa paggastos mo nito.
Pero pansin ko lang
mukhang dinaganan ng elepante
itong binigay mo.
Hindi pa maayos
ang pagkakabalot.
Para ngang
nakita ko na ‘to dati pa eh.
Parehong-pareho kasi ito
sa niregalo sa ‘yo
ng kabarkada mo.
O ‘di kaya
ng nanay mo?
Bakit parang
gusto mo nang umalis?
May pupuntahan ka ba?
Sige, at baka importante
ang pupuntahan mo.
Mukhang nagmamadali ka.
Salamat uli a?
Salamat talaga.
‘Di ko inaasahang
may ibibigay ka pala
sa ‘kin.
‘Di ka na sana
nag-abala pa.
Ang dami mo siguro ginagawa
kaya kailan mo lang ako
naisipang bigyan.
Nakakahiya naman sa ‘yo.
Pero salamat na rin.
Maraming salamat.


 

---these poems submitted October 2001

.

.

 

 

 

 

 

 



[the contributors] [table of contents] [submit to 4894] [why "4894"]

TO 4894 HOMEPAGE

 

Copyright (c) 1999, 2000, 2001 Down With Grundy, Publisher. All rights reserved. Readers are welcome to view, save, file and print out single copies of this webpage for their personal use. No reproduction, display, performance, multiple copy, transmission, or distribution of the work herein, or any excerpt, adaptation, abridgment or translation of same, may be made without written permission from the author. Any person who does any unauthorized act in relation to this work will be liable to criminal prosecution and civil claims for damages.

1