Huwebes, June 25, 1998 - Dumating sa Shanghai. Maulan ang panahon.
Biyernes, June 26, 1998 - Maulan ang panahon. Hindi pa nakadaong ang mga barko. Pumunta sa bodega sa Pier 15. Kumuha ng sampol ng bigas sa mga nakasalansang sako sa bodega.
Sabado, June 27, 1998 - Nakadaong na ang barkong 'O Un Chong Nyon Ho'.Maulan ang panahon. Hindi naglulan ng bigas.
Linggo, June 28, 1998
- Maulan ang panahon nung umaga ngunit umaliwalas na nung bandang
hapon. Naghintay ng pasabi ng baka-sakaling paglululan ng bigas.
Lunes, June 29, 1998
- Nakapaglulan na ng kaunting bigas sa 'O Un Chong
Nyon Ho' nang makaakyat kami. Nakapanayam namin ang chief mate ng barko.
Kumuha ng mga larawan ng pagsasakay ng bigas. Hindi naglalaon ay umulan
uli, kaya isinara ang lagayan ng bigas sa barko at kami naman ay bumalik
sa bodega. Kumuha kami ng mga sampol na sako. Naghintay pa at umasang titila
ang ulan, na hindi nangyari.
Martes, June 30, 1998 - Maaraw, napakaganda ng panahon, upang maglulan ng bigas! Inaasahang mapupuno na ang barkong 'O Un Chong Nyon Ho'. Ang barkong 'Du Man Gang' ay hindi makadadaong, kaya sa laot na lang maglululan ng bigas doon. Naghintay kami ng pasabing papayagang umakyat sa 'Du Man Gang' habang ito ay nakalaot.
Miyerkoles, July 1, 1998 - Hindi kami nabigyan ng pahintulot na umakyat sa nakalaot na barkong 'Du Man Gang'. Bobombahan ng kemikal na pamatay ng peste ang bigas na naisakay na sa 'O Un Chong Nyon Ho'. Walang papayagang makapanood. Dinalhan kami sa otel ng sampol ng bigas na inilulan sa barkong 'Du Man Gang'.
Huwebes, July 2, 1998 - Nilisan ang Shanghai at puma-Beijing na, kasama ang mga taga-Vina Food na mga tiga-Vietnam.
Martes, July 7, 1998
- Nilisan ang Beijing pauwi na
sa Pilipinas. Dumaan sa bagong paliparan ng Hongkong.
Mga Puna sa Paglalakbay:
1. Ang bilin sa amin nang kami ay pulungin bago umalis ay sabihin namin ang aming mga puna doon lamang sa surveyor. Ngunit ang surveyor ay hindi namin nakita at hindi rin namin nakausap.
2. Ang nasabi naming lahat (pati na ng taga-Vietnam) nang unang mamasdan ang sampol ng bigas ay tila yata hindi long grain tulad ng isinasaad sa kontrata, at mukha rin yatang higit sa 25% ang brokens.
3. Nakakabilib ang sistema nila ng paglululan ng bigas. Mabilis at maayos! Malinaw itong makikita sa mga larawan.
4. Malinis ang pier at pati rin ang barko. Nagsuot ako ng puting medyas sa bukas na sandalyas, na hindi man lamang naalikabukan!
5. Talaga namang buong lugod ang pagtanggap nila sa amin doon.
magbuhat sa bodega
papunta sa mga naka-paletang salansan na sinukluban ng tarpaulin
at sa mga hinihilang salansan sa loading nets na sakay ng trailers
patungo sa barko
na binubuhat ng cranes
pa sa-barko
at ibababa sa hatch
upang masalansan nang maayos doon.