(Construction Site, lunchtime. Si Ricky at Marty ay kumakain nang magkasabay.)
Marty: Rick pare, may dala ako para sa 'yo. Gutom ka ba?
Ricky: Talaga? Ano?
Marty: Italian submarine sandwich, di ba gusto mo? Ginawa ni Jenny para sa'yo.
Ricky: Wow! Mukhang masarap ah. Ibang klase talaga 'yang girlfriend
mo, ang bait !
Marty: Oo 'tol, swerte ko nga eh.
Ricky: 'Tol, naalala mo yung pinagusapan natin noong isang linggo?
Marty: Ha? Alin? Yung tungkol sa simbahan?
Ricky: Um, oo. Kasi naisip ko lang. Nabanggit mo kasi ng masaya naman kayo ng girlfriend mo.
Marty: Oo, bakit?
Ricky: Iniisip ko lang kung bakit di mo pa siya pinakakasalan. Eh, pare kung talagang mahal mo siya...
Marty: Ay naku! Eto na naman, sermon ni "Father Rick", di ba?
Ricky: Hindi kita sesermonan…nagtataka lang ako.
Marty: Sige, sabi mo eh. Pero pare, alam mong napagusapan nga namin kailan lang yung tungkol diyan eh. Akala ko kasi ayos lang sa kanya…hindi ko inakala na importante pala sa kanya yung kasal.
Ricky: Pare, sa tingin ko napagisipan mo na naman yon eh. Nung tinanong mo ako dati kung anong tingin ko sa paglilive-in nyo, alam mo na na pakakasalan mo naman si Lorna.
Marty: Siguro nga, tama ka.
Ricky: Marty, 'tol, payong kapatid lang.
Marty: Ano 'yon.
Ricky: Kung pakakasalan mo din lang, gawin mo na nang tama.
Marty: Anong ibig mong sabihin pare?
Ricky: Sa simbahan, pari ang magkakasal, ganun. Sagrado ang kasal, pare.
Marty: Ha? Hindi ba pwede na sa huwes na lang? Legal naman 'yon di ba?
Ricky: Legal, oo. Pero sagrado? Hindi. Marty, sa tingin ko naman gusto mong gawin kung ano ang tama -- bakit di mo na lubusin?
Marty: Ummm, eh ang tagal ko nang hindi nagpupunta ng simbahan eh! Ikakasal ba kami ng pari nang walang hassle?
Ricky: Wala naman, tol. Kailangan lang pumunta sa mga ilang klase, para lang maging handa kayo sa pagpapakasal.
Marty: Klase? Ano, papasok pa ako sa eskwelahan?
Ricky: Hindi, para lang "counselling session." Pari o kaya ay minister ang hahawak sa inyo para matulungan kayo sa buhay-kasal.
Marty: Mukhang okey, yun lang ba? Tapos pwede na kaming pakasal?
Ricky: Oo, yun lang naman. Kailangan na lang mangumpisal tapos…
Marty: Mangumpisal? Para sa'n pa? Hindi ko na yata alam kung paano eh.
Ricky: Siyempre, Marty, kailangan yan bago tumanggap ng sakramento. Di ba? Nung bininyagan tayo, pinatawad na tayo ng Diyos. Kaso, nagkasala tayo ulit, kaya kailangan nating mangumpisal para mapatawad tayo muli.
Marty: Eh, bakit sa pari pa? Hindi ba pwede na sa Diyos na lang ako dumiretso?
Ricky: Dahil sila ang binigyan ni Hesus ng kapangyarihan na magpatawad ng mga kasalanan natin. Pwede naman sa Diyos kaagad, pero hindi yon ang paraan na gusto ng Diyos. Kailangan pa rin na pumunta sa pari.
Marty: Ang kulit ko tol, pero bakit ganon pa?
Ricky: Magaling ang Diyos pare. Mas alam Niya kung ano ang tama para sa atin, mas naiintindihan Niya tayo. Para lang yan doktor na hindi pwedeng gamutin ang sarili niya, di ba? Ang pari ang maituturing na doktor ng ating kaluluwa. Ang mga kasalanan natin, para bang sakit - kailangan natin ng pari para alamin kung gaano na kalala, at kung ano ang pwedeng gamot. Ang pari na rin ang nagsasabi sa mga tao na huwag mag-alala, at nagpapaalala na ang Diyos ay nandiyan para sa atin.
Marty: Eh paano kung paulit-ulit yung kasalanang ginagawa? Hindi ba nagsasawa yung pari?
Ricky: Ang mahalaga, kinukumpisal mo. Nandiyan ang ang pari para gabayan ka hanggang makayanan mo na hindi na ulit magkasala.
Marty: Ricky, pare…hindi ko na yata alam kung paano mangumpisal eh.
Ricky: 'Wag kang magalala. Sabihin mo lang sa pari na kailangan mo ng tulong, siya na ang bahala sa'yo.
Marty: Nakakahiya pare. Medyo mabibigat ang ikukumpisal ko.
Ricky: Normal lang yan, mabuti nga alam mo na dapat talagang ikahiya ang kasalanan. Pati nga mga santo, di ba, sinasabi nila na makasalanan sila?
Marty: Ricky, mukhang alam mo talagang sinasabi mo ah. Parang okey, pero ewan ko -- hindi ko pa rin alam.
Ricky: Eto na lang pare, pag-isipan mo, may nakapagsabi sa'kin "Subukan mo ang Diyos. Kung hindi mo Siya gusto, handa naman lagi ang demonyo para tanggapin ka." O' di ba? Totoo yon. Bakit hindi mo subukan ang Diyos?
Marty: Sige. Salamat Ricky!
Ricky: 'La yon. Tara na, trabaho na tayo ulit.