(Si Jane ay isang katoliko. Inimbitahan niya ang kanyang kaibigang si
John na magmisa kasama niya - pagkatapos ng unang misang katoliko ni John
ay mayroon siyang mga katanungan.)
John: Medyo kakaiba pala ang misa nyo. May ilang bagay sana akong gustong linawin, okei lang?
Jane: Oo naman. Ano ba yon?
John: Bakit ba kayo nagmimisa? Ano ba ang halaga no'n sa inyo?
Jane: John, ang misa para sa aming mga katoliko ay napakaimportante dahil ito ang puso ng buhay katoliko. Dito kasi inaalala ang sakripisyo ni Jesus Christ - kung paano siya naging pari at biktima.
John: Pari at biktima? Paano?
Jane: Simple. Bilang pari, siya ang nag-o-offer, tapos siya din ang biktima dahil buhay niya ang inaalay.
John: Teka,teka. Hindi naman pwede na paulit-ulit na isina-sacrifice si Jesus diba? Sabi sa bible, "He died once and for all", isang beses para sa lahat.
Jane: Hindi ko naman sinabi na mamamatay ulit si Jesus sa mass eh. Ang misa, para lang siyang pagsasabuhay at simbulo ng una at original na sakripisyo. Hindi naman ulit kalbaryo para kay Jesus.
John: Ah, o sige. Pero, yung pari ba parang siya si Jesus? Siya ba yung nag-o- offer?
Jane: Oo, pero tayo din may tungkulin din tayo o role sa misa.
John: Anong ibig mong sabihin?
Jane: Ang pinaka-alay natin sa Diyos ay ang ating sarili sa pamamagitan ni Kristo.
Mahirap i-explain, basta ang tandaan mo, hindi lang nandoon ang mga tao para manood sa misa.
John: Eh Jane, bakit ganun, hindi ako pwede mag-communion?
Jane: Huwag mong isipin na hindi ka namin tinatanggap. Ganito kasi yon, sa ngayon, hindi lahat ng kristiyano ay nagkakaisa nang lubusan. Hindi naman tama na mag-communion nang hindi nag-kakaisa, yan kasi ay simbulo ng unity. Pwede ka namang mag-communion eh, kailangan lang kaisa ka sa simbahan at sa mga paniniwala nito.
John: Ahh…ganun ba? May isang bagay pa Jane, hindi ba sa tingin mo hindi dapat ganoon ang takbo ng misa? Hindi ba nakaka-antok na yon pag paulit-ulit?
Jane: Ang tawag doon, ay "Order of the Mass". John, sa dami ba naman ng katoliko sa mundo, at sa bilis ng paglaki ng simbahan, ano bang pinkamagandang gawin? Siyempre, mahirap yung iba-iba ng order, magulo yon eh. Para bang si God, mas gusto niyang maayos ang mundo kaya in-order ang creation niya. Una ang liwanag, tapos lupa, langit….hulinghuli ang tao. Ganun din sa simbahan. Isa pa, ang ibig sabihin ng Katoliko ay unibersal o pang-kabuuan. Iba yung pakiramdam na kahit saang lupalop ka man ng mundo makarating, alam mong ganoon ang misa. Remember unity? One body, universally, one way!
John: Oo nga ano. Parang maganda yata yung ganoong feeling. Sandali, may ilang ginawa yuung pari na hindi ko masyadong naintindihan eh, paki-explain naman.
Jane: Okey. Ganito yon, una, sign of the cross, ibig-sabihin, lahat ng gagawin namin ay sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Tapos yung pari, hinahalikan yung altar, bilang simbulo ng pag-galang. Para ring yung halik kay Jesus.
John: Okey ah, cool.
Jane: Yung unang dasal, tawag namin ay "introit", parang pagpapalagay sa mood. "Kyrie" at Gloria naman yung sumunod. Sa "kyrie", pinapakita na kailangan natin ang Diyos, pagpapasalamat naman ang Gloria.
John: Ah, pag-amin muna na kailangan mo ang Diyos tapos, thank you sa kanya, ganoon?
Jane: Tama.Tapos noon, mga readings na. Tuloy-tuloy na yon, kaya pag-nagsimba ka parati, sa loob ng tatlong taon, maririnig mo ang buong bibliya. O diba? Parati ring may, "homily" o yung sermon na tinatawag. Importante yon, kahit minsan mahaba, kasi eto yung nakakatulong para maintindihan at magamit natin yung mga aral sa biblia sa sarili nating mga buhay. Sobrang hindi pwede na walang homily, kumbaga batas ng simbahan na hindi pwedeng alisin,kung walang mabigat na dahilan.
John: Ganon pala. Nagustuhan ko nga yung sermon kanina eh.
Jane: Creed ang kasunod noon. Dito sinasabi na tinatanggap at naniniwala tayo sa Diyos.
John: Okey. Bakit nga pala yumuyuko pag sinasabing "born of the Virgin Mary"?
Jane: Sa linyang "And became man" talaga nagba-bow. Parang pagpapakita na nire-respeto ang incarnation.
John: Ah, ngayon alam ko na.
Jane: Mabuti naman! John, medyo tomguts na 'ko eh, kain muna tayo!
John: Sige ba! Pasensya ka na, ang dami kong tanong. Pwede bang kwentuhan ulit tayo tungkol dito? Ako na ang taya sa bog-chi natin!
Jane: Oo ba! Tara!