Mga Tulas

Ang mga tula ko'y naaguhit twing ako'y me panahon, na maialay to o sariling pakay, ay buod ng mga hangarin ng luob, damaen, pagkatao sa kabila rin ng pagsasanay pareho sa pamanaan at bagong burdan, sarili man o nahiram ng hagap, kurokuro, o uliran nasaliksik sa sariling stilo, expresyon at panlasa:



Mga Pamagat

Twina'y Tulang Liwayway
Kawili Magpinpin ng Trigo
Sulit na Kaiybigan
Kataga Mula sa Mga Panglawan
Paalam Tuytuy at Gamus
Paligsan Alang Tula
Hanggang Tingin nalang
Akala't Ngunit
Mahal-Mahalan
Maglibang muli Tayo
Ako'y Bigo
Talisik mula Uyayi't Ataol

Balik papuntang Kubol

Twina'y Tulang Liwayway
(Dennis Capistrano)
(Septembre 1997)


Parang na agnas, sariwang simoy ere
Salumhinga kong angkin.
Mga makulay na bulaklak at halama't gumiliw
sa sariwang bulong ng hangin.
Mga makitig na puno'y nagsampay ng mga
bungang hinog na prutas.
Mga burol at kapwa bundok, naka bantay
matatag sa lakbayan panawin
Munting ilog ginang lipas karatig lupang sibugan,
Sulit sa tubig gamgam.
Sikat ng araw, naga-alay liwanag ng adlao
sa buong sipag at hanggang nayon at trigo.
Mga bulakang ulap, malambing lumutang at
Lumipad sa bughawing linaw ng himpapawid.
Mga ibon nagapulong sa mga sanga, mga kalabaw,
naga-ligo sa babaoan, mga langgam, nagaani sa
taping lupa, mga tutubi, kinikiti kanilang pakpak,
mga paroparo, sumasayaw sa damohan at bukalaklak-
nakikisalo sa kumbita kong ringal.
Sa lilim ng punong mangga ako'y naka upong sandal.
Kita ko, tanaw ko, ang ginhawang litrato.
Tumitibok aking puso, dugo'y masigla,
nadadama ang maka-gawa…
Namangha ako sa ganda at garang likas,
Lumiwanag aking rangal. Napaibig ako.
At para ng lubos kong awit, bigkas, at salisik
sa dakilang likha, ragasa, akong nagtula.


Kawili Magpinpin ng Trigo
(Dennis Capistrano)
(Octobre 1997)


Doon sa maaning nayon ankin,
mga bahay ay nakaguyod, matatag nirang
gusali. Paligid nira'y maayos ang handog,
uring kaakit-akit. Sa loob ng mga tahanan,
Katunggali ang malugamgam na amoyo,
Masarap masamsam. Puspos ang aruga sa
Mga tanim sa batai, at mga alaga ay maligayang
Namamasyal sa tabi dakong pasya ng adlao.
Bato yaring mga raanan nagsanga't nagpasan
mula-puna rito't doon. Ira'y naga-silbing tagasalin
sa lahat ng yumi't dalo ng sannayonan at kayayang
mga nilalang, hayop, at balaghan.
Ang mahalagang walang kapantay nitong lahat ay
Ang mga dangal na mamamayan, sila ang pakay
Ng mga binyayang nadadaos.
Naibaka sa hilig, panawin, at pag-unawa,
Para ato galing sa mga mahal na pamilya,
Kaybigan at tabing tira.
At para rin sa pagpitas ng mga pambuhay at dinggin.
Nang sa gayo'y kayod ay me piging, ikaa-salo nating
Lahat kabuyang, at maging ating pagtatala't kwento'y
Mangumbida sa mga lalawigan ibyaong makamkam.
Nang itong layon ay galinao, at sa susunod pang
Diwang… irog ko… ika'y aking
Kawili magpinpin ng trigo.
Nagpinpin ako.



Sulit na, Kaiybigan
(Dennis Capistrano)
(Novembre 10, 1997)


Kagabi, ikaw ay aking kadiwang…
Panahong ubod ng sigla't galak. Simpleng paga-tala,
Nagdulot ng gamgam sa'ting mithiin.
Ating nakalipas, alaalang di malimutan
Nahamog sa'ting mga pagsensen, pag-aya, pagsiste,
pagrasal, pagkuro at paglibog
-naihate natin ay mahalagang kadanasan.
Hangya ko. Kadayo natin sina chos Erick, Glendale,
cha, Natalie…
At sa gitna ng lahat, ikaw, na dahilan nitong
Matingkad na parabula. Iyong ngalan, na nagsisimula
Sa J at S, nagtatapos sa A at Y, ay batid kong kapinpin madalas.
Ang saklap ng tadhana, bitin ang kinakasalo.
Kagat ng toto'y panaginip lang pala ang gampan;
Nag patikim lang ng sarap ga-pukyot, subalit
Pangisngis na di malunok.
Ilan gabi na kitang kapiling sa panaginip ankin;
Ilan pa bang bilang ng buan iimpokin ko na ikaw
ay dadalaw sa mga tulog ko, para mawasto
ang aking talambuhay?
Guni-guni ba itong pangyayari na makakamtan
bukas, o kwentong encanta na naganap
kahapon? Tyak na hindi ngayon.
Damdamin ko ba'y naliligaw sa parang ng mga
pangakong me lamat, o ako ba'y sumisigaw ragasa
sa hangang ikaw ay 'Wo de Ai Ren' na
tanggapang salita'y 'Wo Ai Ni'?
Ganyan man, ginip na di totoo sa kasalukuyan.
Payag ako sa paloisip nakakatanto.
Ganyan man, alaala na lang, matitirang nakatindig
sa'king templo ng budhi.
Ngunit ang sagot ko'y, mananatili tayong
Magkaiybigan, magkasamang lugod, at malaya.
Lubos kong pagsamat sa'yong pagdalaw, nawa'y
Maulit muli.
Masakdal iyong katohan… at maangkop ating ugnayan…
Ay sulit na .



Kataga Mula Sa Mga Panglawan
(Dennis Capistrano)
(Decembre 12, 1997)


At sa takilya ng tadhana isinilang
At kumalat ang mga raca ng nilalang

Sila'y nagkayod ng mga butas
Sila'y nagsipsip ng mga kata
Sila'y umunlad patungang antas

Hanggang sa tuktok ng bundok nahalin
Katanto nila ang taas at lalim
Simulang liwanag tapusang dilim

Puos man ang kaalaman
Kulang naman ang puhunan
Ang kapalit ay gahasnan

Nagiba kanilang lining
Naisabay silang nagiling
Nilay sino nalang naglibing

Lupa pa lupa
Dumi pa dumi
Abo pa abo

Lahat !



Paalam Tuytuy at Gamus
(Dennis Capistrano)
(Decembre 12, 1997)


Nung ika'y inialsa mula sa longga gaduyan,
Iyak mo'y sanhi ngumiti iyong nagsakang ina
nagalak ang iyong nagbungkal na itay at
nagsalong ang mga kadugtong sa'yong gatan

Simula kang gumapang sa buka, untiang iyong
dinampot ano mang tuytuy na bigkas, sayo ang
kahariang gamus. Nasaktan sa mga gusto natupdan;
naihalo sa gamus, simula kang maghalak at
napapasayong sadya.

Nakaraan ilan daosan, tumubo pa mga pinting.
Isa't isang naglaho tagpiang mga tuytuy, nagbuong
tinding katohanan. Ika'y nasubsob sa kalye; nalaman
mong sakit ay may dugong pula nagtalaytay.

Iyong dinura sa tabi. Bakit mo dinura ang tuytuy?
Noon ito'y iyong kaaliw, ngayon natirang dura ang
Iyong ganti?

Nag-iba na lasa mo, yapak mo'y sa kabilang
Kabanata na ang hilig. At sa pasyang ito ay maiiwan,
kahit di sadya, ang tuytuy nakasabay sa gamus.

Paalam, tuytuy at gamus. Mahapdi man, ansaklap man,
Tiisin mo, tanggapin ang bagong hakbang patungong
Ginhawa at sakaling magkita muli.

Ika'y may gulang na !



Paligsan Alang Tula
(Dennis Capistrano)
(Decembre 12, 1997)


Hilig ko itula, gusto ka isipa, ay kasabihan na puno
Gawing arian bilang maka-nganib ang tula laban sa kapwa,
Ay di kanaisnais

Sa pakay ng paligsan alang tula, buholan din ang datdatan
Matingkad. Kahit lang ayon sa yayang panauhin, ay
Tambayan sa sabongan, hangad sa palarong me talim .



Hanggang Tingin na lang
(Dennis Capistrano)
(Decembre 12, 1997)


Nakaupo ako at naga-atupag ang di tuwid na paraan
makiusap, nang ika'y lumutang palapit. Ako'y
magimbal! Sinisinag mo ako ng iyong gamgam,
Anyong kaakit-akit, nakakatunaw ang rikit mo,
halos magka-wala ng buong diwa nakin.

Nagtanaw ka sa paligid, pansin mo'ko, sa lahat ba
naman ng mga kutchonan sa paligid, sa tabi ko pa
iyong napili. Alam ko alam mo, na magkatugma
ating puso sa uhaw.

Ika'y isang hingang layo, balani'y sakdal sa
magkaibang panig. Saklap ng sobrang ingat
taglayan na sakin, nagdulot tamlay na nagpalayo
ng agwat hanggang mawala ang bisa ng mga sakdal.

Kursonada kita, at mo'ko, pero,
Hanggang tingin na lang .



Akala't Ngunit
(Dennis Capistrano)
(Decembre 13, 1997)


Akala mo'y mabait,
Ngunit ako'y mapait.
Akala mo'y matalino,
Ngunit ako'y matulino.
Akala mo'y malusog,
Ngunit ako'y nadumog.
Akala mo'y pala-aral,
Ngunit ako'y pala-oral.
Akala mo'y meron alam,
Ngunit ako'y meron asam.
Akala mo'y sanay,
Ngunit ako'y anay.
Akala mo'y may kaya,
Ngunti ako'y may daya.
Akala mo'y marunong mag-isa,
Ngunit ako'y marunong magisa.
Akala mo'y bida,
Ngunit ako'y sipa.
Akala mo'y Canadian,
Ngunit ako'y Kana dyan.
Akala mo'y Pilipino,
Ngunit ako'y Pinipino.
Akala mo'y sikat,
Ngunit ako'y sakit.
Akala mo'y Tao,
Ngunit ako'y Tae .



Mahal-Mahalan
(Dennis Capistrano)
(Decembre 15, 1997)


Mahal mahalin ang pagmamahal ng
Nagmamahal, kung magmahal sya ng
Mahal na mahal na mahal, na minahal na
Na mamamhalin sa mahalang minamahal, na
Mahal-mahalan lang .



Maglibang muli Tayo
(Dennis Capistrano)
(Enero 7, 1998)


Dalwang linggong dalisayan sa dampian
naking magaanak sa ganap na tahanan,
mga petsang nakalipas.

Nangyun, naglibang akong tumpak sa mga
basbasang pinagkaloob sa kanila ni Bathala,
at naihate din sakin.

Ang leksyon-totos, naituro'y tanggap ko,
na hango sa mga kadanasan, kusang
balisa o wastong payo, layon makakabuti
sakin.

Nang ang panahon ay gumulong, naihatid
ako sa parahan. Tapos na ang angkas gaduyan.
Paglugod nila sakin ay aking malulugdan.

Ako'y nag-iisa na muli, hanggang tayo'y
Magkitang masigla't magdiwang, ako'y
Maga-sikap din, sa kaya ko.

Tagumpay alang sanyo, mahal kong katotos .



Ako'y Bigo
(Dennis Capistrano)
(Enero 8, 1998)



Nang tumilaok ang relos, nagsimula
walang buhay kong gapang papunta sa
silid ng hatol, ay mas malala pa, matamlay
nang nasakdal ang bukang husgan ng bathaan.
Sila'y nasusunod.

Ako'y nabato sa mala-manchang cigar ng kapre
naka "Hehehe," sadist pa rin sa kanyang mga gawain. Saki'y
nakatitig, handang ngumuyang lugod.

Lumbay ga-mundong bangungot ay walang-dulo aking makapili. Ako'y
di na tulog at di na makakatulog, hanggang…

Katohanan mag-umpisa sakin sakayang himagsikan makapugsa, dahila
sa mga di-makatarungang pagmaltrato sa gatimpalang tapat ng
aral at mamayan. Karapatan ng batas magparusa sa mga nagkasala.

Ako'y bigo, talunan pa lalo.
Nararapat lang na ako'y magdusa
Ako'y nagkamali, ako'y bigo. Hataw na .



Talisik hangga Uyayi't Ataol
(Dennis Capistrano)
(Enero 17, 1998)
Biglang bira, nabuo ang selula sa haybat at tumubo. Sa
panahonan, ay naitulak sa buka. Natungga sinag ng labas,
buhat man sa ligas, o burdan.

Nang buksan ang mga mata, at nakislapan nangatog ang loob, at
simula na mamulak ang sintang utak. Mula waling unang hapag at
mga susunod pa.
Lakbay sa oras sampay sa ranas at sakay sa landas ay buod ng
biag.

Alaala'y mga arian at habang may hagap,
lilikha pa ng magaganap makakamtan
Ang mga hangad, at aangkin ng mga kilalan

Pilitin mang makaigcas sa gapos,
sadyang wagas na ang abot ng lubid ng buhay.
Patol nito'y madaling mauhaw,
tiis ay natutuyo at uuwi sa kubol, kung saan
ang ginhawa ng pahinga'y mapatuloy,
Hanggang…

Mahimbing tulog, ay basbas ng kamatayan .



Balik Papuntang Menu
1