Mga kabayan, masaya kong ipaalam sa inyo na ang kalugaran ng hp ko ay laan sa mga maisipin sating makabayang ankan na ipaunlad ang ating sining at lining sa Pilipino. Karamihan sa Panmunden Habi, puro Ingles ang nakatala sa mga pisera. Kahit mismo sating mga Pilipino, laging Ingles ang ginagamit sa pagmunkahi ng mga pahayagan at pagbati. Ngunit dine, tayo'y malaya iexpres ating pagkaPilipino.
Patakaran sa Pagaambag ng Akda
-Dapat sa wikang Pilipino*
-Dapat matino, seryo at tuwid sa layon magpaturo sabay magpalibang sa mambabasa
-Dapat lagyan ng ukol:may-lagda/pangalan, petsa ng katha, kontak (email) at mga nota.
Payo Sa Akda
-Kun napakalalim o bibihira na dimamasid ang mga palababra o salita nailagay nyo sa akda, inota, isalinwika nyo sa ibaba ng akda. Pwede nyo ilagay ang mga salitang dialect, ngunit pahintulot ko rin na isalinwika nyo ang kahulogan neto.
-Pinapayagan ang mga balbal o salitang kalye sa akda nyo, ngunit dapat me layunin ang mga balbal na heto, di lang basta ilagay para isingit sa akda. Ang balbal ay dapat nagpapaturo, nagpapalibang sa mambabasa, o nagpapainam ng pagbabasa, at di para mang-asar o magpalito sa mambabasa.
-sa pagaambag ng inyong tula, di duda na likas ang mga anyong kasagisagan, at malalalim na salita. Pinupukaw ko na gawin nyo to, gaya ng dati, isalinwika nyo ang mga 'malalalim' na salita na heto.
-sa pagaambag ng inyong sanaysay, dapat makaalam o informative para matuto ang mambabasa sa inyong pinapamungkahi.
Nota at Babala
-di ko isasabit ang akda nyo sa pisera kun toy 'basura' o simpleng di makakabuti sa mambabasa.
-di tyak na isasabit ko ang mga akda kahit palagay nyo'y makabulohan, sa maaaring dahilan na pagkukulang sa lugar dine, o sa kahigpitan ng oras
_____
*dahil ang wikang Pilipino o wikang pambansa ay base sa Tagalog/Tinagalog, at mga katha o dagdag/hiram na salita/palabra/expresyon mula ibang pangkat/dialect ng katutubo/etnikong Pilipino ng Pilipinas, mga dayuhan, at usong mga bigkas sa pankasalukuyan o nakalipas, ipahiwatig nyo narin sa orig na anyo, o tanggapang anyo, para masinag ang inyong pinapatalastas, sabay maintindihan ng mga magiisip/intellectual.
Matapos nyong basahin at pumayag sa sungdo, pwede nyo ng isugo ang inyong akda sakin.